Merry Christmas, Guys!!!!
Matapos kong magpaalam sa mga tropa ko ay nagmadali akong tumakbo pabalik sa classroom, Ang inakala kong pag uwi ni Jonathan kanina ay peke lang pala, Kaya chinat nya ko sa IG na bumalik ako sa classroom namin.
Nakangiti si Allison habang nakatingin sa akin kanina kaya alam kong may alam sya dito, Hay nako!! Mabuti nalang si Allison lang ang nakakaalam kasi baka pag tatlo na sila araw araw na nila akong asarin, Pagdating ko sa room ay walang tao, Kaya lumabas nalang ulit ako at nakita ko syang nakasandal na sa gilid ng pintuan na may dalawang rosas na peach.
" Hi " bati nito ng nakangiti, Napangiti na din ako at tumakbo para yumakap sa kanya, Ang gwapo naman ng Boyfriend ko, ang sarap iuwi.
" Hi " balik ko din sa pagbati nito, mabuti nalang at wala ng estudyante sa floor dahil uwian na at Janitor nalang ng school minsan ang nag iikot or yung mga teachers na pauwi na pero ngayon walang tao, Lumakad kami ng magkahawak ang kamay at nakatago ito sa likod namin.
Malapit na kami sa hagdan ng paakyat sa rooftop ng biglang makita namin ang Janitor na nag mamap ng sahig, nakaheadset ito at napatingin lang sa amin pero hindi na kami pinansin, Agad kaming tumakbo paakyat sa rooftop at nilock ito.
" Anong ginagawa natin dito " tanong ko kay Jonathan habang nakasandal sa pinto, Inabot nya ang kamay nya sa akin upang hawakan ko ito, Kaya ginawa ko ang gusto nya.
" Happy 1st weeksarry, Babe " Bati nito sa akin at ibinigay ang bulaklak.
" Babe? " Hindi makapaniwalang tanong ko dito.
" I just thought about that, Pinag isipan ko talaga kasi we called each others name when we are not alone and We always call each other when we are alone kaya naisip kong mag isip " Paliwanag nya, Tumango ako ang ganda naman ng pinag isipan nya, Mukhang pinag isipan talaga ng mahirap eh.
Ano bang pinag isipan niya? Babe o Baby? Puta isa lang iniba ng letter eh.
" Happy 1st weeksarry din, Kaya lang wala pa akong regalo " Nahihiya kong sabi dito at napakamot nalang sa batok, Ngumisi sya.
" Ayos lang, ikaw lang naman okay na ako " Sabi nito at hinila nya ako palapit, Pinagsalikop nya ang kamay nya sa likod ko para hindi ako makalayo.
" One kiss is enough " Bulong nito sa akin kaya nakagat ko ang labi ko, Tang ina! Pwede bang Huminga?? Hindi na sya nag antay pa dahil mabilis nya akong hinalikan sa pisngi, nakasunod lang ang mata ko sa kanya, Kasi ang Gwapo shit!!
" Are you okay? " Tanong nito at binitawan ako tsaka hinipo ang noo ko, pero agad kong hinawakan ito at hinawakan ko sya sa batok para ako mismo ang humalik sa kanya, Tumingkayad ako at sya naman ay napayuko sa akin para maging swak ang kiss namin.
Sarap, Pre!
" Can we just kiss tonight? " Nakakagat labi nitong tanong at agad kong inilingan, baka hindi lang kasi Halik ang mangyari, Nararamdaman ko na kasi eh.
" Ano ngang ginagawa natin dito? " Ulit ko sa tanong ko.
" I set us up a Date " Sabi nito, Nilingon ko ang paligid ng rooftop at nakita ang isang table na may dalawnag upuan.
" Dito? " Tanong ko dito, Tumango sya at hinila ako para lumapit kami duon, May iba't ibang klase ng pagkain na take out, May Pizza, Burger, French Fries, Salad at Milktea.
" Dito " Sabi niya, pinaupo nya ako at siya naman ang umupo malapit sa akin.
" What do you want to eat first? " Tanong nito at binuksan ang mga tinake out.
BINABASA MO ANG
Yani Swimmer (BxB) [Completed]
Teen FictionPaghanga na nauwi sa love, Ang nangyari kay Archie Domingo isang Senior High school student sa isang pribadong paaralan na puro lalaki lang ang maaaring mag aral, Kuntento na sya sa buhay, May makukulit at mapagkakatiwalaang barkada, May Kapatid na...