Chapter 40

124 8 2
                                    

Archie Domingo POV

Sumandal ako sa Upuan habang hindi mapakali sa pagyanig ang Tuhod ko, Nang may magtanong na kung bakit sa Pisngi lang ako hinalikan ay nagulat ako ng makita ko si Kuya Warren na nakapang GYM outfit at Halatang halata na kakagaling lang sa pag wowork out.

Umupo si kuya Warren sa single sofa na nakatagilid lang sa inuupuan namin ni Jonathan, may dala itong isang baso ng tubig, Teka!! 'wag mo sabihing gagawin nya yung paborito nyang line sa mga Drama drama na napapanood namin, Yung 'Your nothing but a Second grade trying hard Copycat' natatakot ako kasi mas mukha syang copycat kesa kay Jonathan.

" So, kelan pa Archie? " Seryosong tanong ni Kuya Warren.

" Ah!! Ku---- " napatigil ako ng patahimikin nya ako at humarap sa tahimik at hindi kinakabahan na si Jonathan.

" Si Jonathan ang gusto kong marinig, Archie " Biglang sabi ni Kuya, Kumunot ang noo ko kasi ako naman ang tinanong nya bakit si Jonathan ang gusto nyang sumagot, Bobo ba kuya ko??

Bobo nga siguro! Hahahaha.

" Nung hiking po " Sagot ni Jonathan, Naalala ko naman agad ang kiss namin na naganap sa lupa.

" Hiking saan? " Nagtatakang tanong ni Kuya warren.

" Nung sa t---- " hindi na naman ako pinatapos ni kuya.

" Si Jonathan ang sasagot " Kuya warren, Ano ako dito?? Palamuti?? Sila nalang kaya ang mag usap??

Pasimple kong kinalabit si Jonathan sa Pants nya pero hindi sya lumingon sa akin, Napalingon naman agad ako kay Kuya at naabutan ko itong naninigkit ang tingin sa akin, Huhuhu!

" Tss! Archie, umakyat ka nga muna sa kwarto mo " Seryosong sabi ni kuya kaya nanlaki ang mata ko sa kanya, Nilingon ako ni Jonathan at tumango sya, Umiling naman ako.

" Oo, Archie Pinapaakyat kita sa kwarto " Seryosong sabi ulit ni kuya Warren, Shit!! Umiling ulit ako pero kay kuya na.

" Kuya----- " hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil umiling sya at pumikit.

" Ang sabi ko, Umakyat ka Archie sa Kwarto mo " huminga ako ng malalim bago hawakan ng mahigpit ang kamay ni Jonathan.

" Gusto ko sya, Kuya " Biglang sabi ko dito ng nakapikit, Errr!! Malas naman talaga oo!! Shit!!! this is Unexpected revelation Pre!! Akala ko makakapag prepare pa ako sa mga ganitong pangyayari pero ngayon na pala iyon.

" Gusto mo lang sya? " Tanong nito ng seryoso, tumango ako nagtaka naman ako ng bigla syang tumawa, anong nakakatawa??

" Gusto mo sya?? " Tanong ni kuya habang nakaturo kay Jonathan, Tumango ako, Bigla na namam syang tumawa at umiiling pa.

" Seryoso ka ba?? " Kuya warren, Tumango ulit ako, Tnag ina Nang sa psycho lang yata kapatid ko ah.

" Jonathan, Sigurado ka bang itong kapatid ko ay gusto mo din? " Hindi makapaniwalang tanong ni Kuya warren.

" Opo, Kuya " Magalang na sagot ni Jonathan.

" Ito?? Itong dugyot na yan ang napili mo? " Kuya warren, sabay Tawa Ang sarap busalan ng bibig, Ayun pala pinaglalaban nya, Puta!! Mas dugyot pa nga sya sa akin.

" Hindi ako Dugyot " Inis kong sabi dito.

" Tss, akala mo magaling kang magtago, Amoy na amoy ko kayong dalawa hahahaha!! " Sabi nito habang nakangiti, nagkatinginan kami ni Jonathan.

" alam mo?? " Gulat kong tanong dito.

" Criminology student ako, Archie anong akala mo sa akin Tanga?? Ikaw ang tanga kung magtatago ka sana ginalingan mo na " Sabi nito at may kinalikot sa cellphone nya tsaka ipinakita sa akin ang mga pictures namin ni Jonathan nung mag Intramuros kami, Hahablutin ko na sana ang Cellphone nya pero agad nya itong pinatay.

Yani Swimmer (BxB) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon