Ang Kurakot at Ang Kinukurakot
Marlon Manalo POV
Kinagat ko ang French fries ko at ibinato sa mukha ni Allison ang kalahati nito, Agad nya akong sinamaan ng tingin pero kinain din ang bumagsak sa Libro nya, Tss!!
Nandito kami sa Bahay nila Archie para gumawa ng last project namin sa Tech draft at dahil mas makakapagfocus kami dito, Sa amin kasi Nandun ang Kapatid kong bulinggit, Kina Allison naman ay masyadong Far Far away kina Lucas naman ay hindi sila close ng family nya kaya dito nalang kami kina Archie.
Malayang malaya.
" Hoy, Ano Marlon? Puro kain walang Ambag? " Sita sa akin ni Taki na tumutulong sa pag guhit.
Wala sanang magtanong sa akin bakit kasama namin si Taki ngayon dahil hindi ko din alam kung bakit sya nandito, isa syang ABM student anong maiaambag nya sa amin??
" Ako bumili ng foods " Sabi ko dito at tinaasan sya ng kilay bago sumubo ulit ng french fries, umiling nalang ito at napangiti ng kalabitin siya ni Archie para kausapin sa ginagawa.
" Halika nga dito, Marlon nang mapakinabangan ka naman " Yaya sa akin ni Lucas na may hawak na Ballpen, Nakasimangot akong lumapit sa kanya at kinuha ang inabot nya sa aking Lapis tsaka pantasa.
" Anong gagawin ko dito? " Tanong ko at ipinakita ang hawak.
" Hala, Kainin mo! " Inis nitong sabi, Pakiramdam ko tuloy ang Bobo ko kapag siya ang kausap ko.
" Tasahan mo syempre " sabi niya, Pero nakasakit ka na Pre!! Tinasahan ko na ito at ibinigay sa kanya.
" Ano ba yan? Magyatasa ka na nga lang Palpak pa " Reklamo nito sa akin, Pasensya na Hindi kasi akoo nag lalapis.
" Swerte naman ni Manalo, Magtatasa lang ng Lapis May Perfect score pa " Sabi ni Allison at pumalakpak, Wuuhh!! Aping api na talaga ako sa mga ito.
Tutal tapos na din naman ako mamapak ng pagkain namin ay itinuloy ko na ang project ko at tywing may hindi ako alam ay ipapakita ko ito sa kanila at itatama naman nila, Kahit mikha akong bobo sa kanila andyan pa din sila para tulungan ako.
Nang mag gabi ay nagluto ang hapunan si Tita Arlyn ang mama ni Archie, Solid na solid talaga ang sarap ng luto ng mama nya kaya minsan gusto ko nalang dito tumira at magpaampon, Habang naghahapunan ay dumating si Kuya Warren na mukhang pagod na pagod sa Training nila, Tinanguan namin itong magtotropa pero kay Lucas ay humawak siya sa likod at tinapik ng dalawang beses.
Oy!! Ano yon!!??
Kabadong tumingin sa paligid si Lucas at nakita nya kaming lahat na nakatingin sa ginawa ni kuya Warren kaya bumalik sya sa pagkain, aha!! A See you Bruh!! Don't you dare Lie to me hahaha!!!
" Hi, Ma! " Bati ni kuya warren at humalik tsaka yumakap kay Tita Arlyn.
" Oh, Maghapunan ka na muna " bungad ni Tita habang nag lalapag ng ulam sa lamesa.
" Kumain na kami sa labas nila Reggie, Busog na ako " Sabi nito.
" Kain ka muna, Kuya " Alok ko dito pero umiling lang sya habang hinihimas ang Tiyan nya.
" Sige lang, Kain lang kayo " sabi nito at umakyat na sa kwarto nya, Si Lucas nalang ang nakasunod dito ng tingin kaya pinaningkitan ko ito ng mata, Mga Taksil talaga ang kaibigan ko.
Hindi pa din nagsasabi sa akin, Pero ayos lang! Hindi din ako magsasabi sa kanila.
Linggo ng hapon ay bagot akong humilata sa kama ko, Tapos ko ng gawin ang lahat Assignments ko, Maglaro ng Valorant, ML, LOL at Dota 2 Puro talo, Bobo kakampi!! Maligo ng tatlong beses, Maglinis ng kwarto pero mukha pa ding madumi!!
BINABASA MO ANG
Yani Swimmer (BxB) [Completed]
Teen FictionPaghanga na nauwi sa love, Ang nangyari kay Archie Domingo isang Senior High school student sa isang pribadong paaralan na puro lalaki lang ang maaaring mag aral, Kuntento na sya sa buhay, May makukulit at mapagkakatiwalaang barkada, May Kapatid na...