" Hoy! "
" holyshit! " Nahulog ko ang susi dahil sa gulat ng may tumawag sa akin ng malakas, Dinampot ko ito sa kalsada at inis na nilingon ang nanggulat sa akin, Pero pagharap ko ay nawala agad ang inis ko.
Nakita ko ang seryosong mukha ni Archie, hawak hawak nito ang Bike nya palapit sa akin, hindi ako nakapagsalita agad dahil wala naman akong masabi, Nakita ko ang nakakainsulto nyang ngisi kaya nangunot ang noo ko.
" Bakla " Tawag nito sa akin, Nandito ba sya para lang insultuhin ako? Tinaasan ko sya ng kilay at pinantayan ang pagseseryoso nya.
" What are you doing here? Bawal kayong pumunta dito " Seryoso kong sabi dito, Dahil isa iyon sa rules ng subdivision ang mga taga ibang Phase ay hindi pwedeng magpagala gala sa Kung saan saang phase, pwedeng dumaan o kaya may puntahan na kakilala pero yung tumambay at maggala ay mahigpit na pinagbabawal, may mga cctv naman sa buong lugar kaya safe.
" Ah, Ganun ba? " Tanong nito at nagpalinga linga sa paligid napagaya din ako sa ginawa nya, Pero ng mukhang wala na naman syang sasabihin ay tinalikuran ko na sya at sinubukang buksan ang gate.
" Ginagago mo ba ako? " Tanong nito na nagpatigil sa akin sa pagbukas ng gate.
" Paano mo naman nasabi? " Tanong ko habang nakatalikod pa din sa kanya, Bakit ba kasi ang dami kong susi?
" Nang gagago ka nga " namimilosopong Sabi nito, hinarap ko sya at nilapitan pero malapit pa din ako sa gate namin, Tinignan nya ako ng masama dahil sa paglapit ko bigla.
" Ikaw yata yung nang gagago, Chie " seryoso kong sabi dito, Umasim ang ekspresyon nya.
" Pwede bang tigilan mo na ang pagtawag sa akin ng Chie?? Hindi tayo close " maanghang na sabi nito.
" Oh, Bakit ka pa nandito? Pwedeng umalis ka na lang? Kung dadaan ka dumaan ka nalang " Sabi ko dito, Dahil una sa lahat hindi ako ganitong klaseng tao, Kung makakapagtimpi ako magtitimpi ako pero pagdating kay Archie ay mabilis na akong magalit at maubos ang pasensya, Ngumisi siya at ngayon ko lang naramdaman ang inis sa mga Ngisi nya.
" Bakit Pagmamay ari mo? " Tanong nito, Hindi! Pero tinalikuran ko nalang ulit sya at putang ina tuwing tatalikod ako magsasalita sya, Ako naman yung tangang haharap sa kanya para kausapin din sya.
" Just leave, Okay? " Sabi ko dito at inirapan sya.
" Okay. " Sabi nya, Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa wakas hindi na ako aatakihin sa puso, naipasok ko na ang susi sa lock at pinihit ito.
" Pero------ " humarap agad ako sa kanya, Dahil ipinarada nya lang pala ang bike nya sa gate ko.
" Pero ano? Ano ba talagang ipinunta mo dito? " Putol ko sa sasabihin nya, Lumakad sya palapit sa akin.
" Natatakot ka bang matalo kita? " Tanong niya ng seryoso.
" Natatakot? Para saan? " Tanong ko dito, Pwede bang umuwi nalang sya? Pero pwede ding 'wag na muna.
" Na matalo kita sa competition " mayabang nitong sabi, sumilay naman ang ngiti ko at kalaunan ay natawa ako.
" What? " Tanong ko dito, Kumunot ang noo nya at tila hindi nagustuhan ang inaasta ko.
" Are you kidding? Ikaw? Sa liit mong yan matatalo ako? I think you think too much of yourself, Domingo! be careful, that's not a good habit " Sabi ko dito na may mapang asar na ngiti, Gumanti sya ng sarkastikong ngiti sa akin, Pero imbis na mainis ako ay kinilig pa ako, how I wish na sana hindi kami nagtatagisan ng tingin ngayon habang nag uusap kami.
BINABASA MO ANG
Yani Swimmer (BxB) [Completed]
Novela JuvenilPaghanga na nauwi sa love, Ang nangyari kay Archie Domingo isang Senior High school student sa isang pribadong paaralan na puro lalaki lang ang maaaring mag aral, Kuntento na sya sa buhay, May makukulit at mapagkakatiwalaang barkada, May Kapatid na...