Kinabuksan ay maaga akong gumising para makasabay kay Kuya Warren sa pagpasok, Hanggang ngayon kasi ay nasa pagawaan pa din ang Bike ko, Sabay kaming nagpaalam kay Mama na mukhang paalis din ngayong araw.
" Mag ingat kayo at pagbutihin ang pag aaral ha? " Payo ni Mama, Humalik kami sa pisngi nito at Sumakay na sa kotse ni Kuya Warren.
" Ang aga mong makatulog kagabi, Hindi ka na nakakain ng hapunan " Sabi ni Kuya Warren, Habang nagdadrive palabas ng subdivision namin.
" Oo nga, Pagod sa School naglaro kasi kami ng basketball sa PE namin kahapon " Sabi ko dito, Tumango siya at lumiko sya Patungong school namin.
" Hmm, Okay! Oo nga pala, Yung Bike mo Mamaya ko na kukunin " Sabi ni Kuya, Tumango ako sa kanya at tumahimik na ulit kami, Hanggang sa Marating na namin ang School ko, Bumaba na ako at nagpaalam na kami sa isa't isa ni Kuya Warren, Kumaway ako sa kanya hanggang sa mawala na yung kotse nya sa paningin ko, Nilibot ko ang paningin ko sa buong paligid tsaka nilabas ang Cellphone.
JnthnVil56: Saan ka na?
AchieDo_m: Dito na sa School kakarating ko lang, Ikaw saan ka?
JnthnVil56: Dito sa Rooftop.
Hindi na ako nagreply sa kanya, Dahil nagmadali na akong pumasok ng school at tumakbo paakyat sa Rooftop namin, Hindi ko alam kung bakit ko ginagawa ito pero abot tenga na ang ngiti ko maisip ko lang sya at masaya ako, Pagtapak ko sa rooftop ay nakita ko si Jonathan na nakasandal sa Pader tila inaabangan ang pag akyat ko dito.
Umayos sya ng tayo ng makita nya ako, nabitawan ko ang Bag ko sa sahig tsaka nakangiting lumapit sa kanya, Ngumiti din sya at nagpatianod ako ng niyakap nya ako ng mahigpit, para akong lumilipad sa saya ng yakapin ko sya pabalik, Tama ba itong ginagawa namin?
Humiwalay ako sa yakap naming dalawa at hinawakan sya sa pisngi, Hahalikan ko sana sya sa Labi ng Bigla nalang may magbukas ng pintuan ng rooftop, Mabilis pa sa alas kwatro ang ginawa kong pagyuko at pagsisintas ng Sapatos ko kahit hindi naman ito natanggal, habang si Jonathan ay pasimpleng nag uunat ng katawan, Pasimple naming tinignan ang Pumasok na Janitor ng school, May dala itong walis, Dustpan at Sako, Mukhang maglilinis ito ng Rooftop.
" Uy, Kayong dalawa malapit ng mag umpisa ang mga klase nyo, Magkacutting pa kayo ng klase ah, Dito lang pala mga tambayan nyo " mukhang galit na Sabi nito at tingin ko tinutukoy nya ang tambayan ng mga nag kacutting classes, nakahinga naman ako ng maluwag ng wala naman syang nakita.
" Opo, Sorry po " Sabi ko dito Kinalabit ko sa hita nya si Jonathan para ipahiwatig na Bumaba na kami at agad akong naglakad patungo sa Bag kong nasa sahig, sinenyasan ko naman si Jonathan na sumunod na sa akin, Sabay kaming bumaba ng Rooftop at sabay din kaming pumasok ng Classroom.
As usual, Nangunguna sa maingay ay si Marlon at Allison, Nakikipagbardagulan sa kabilang grupo na meron ang Section namjn, Nakalaban na rin namin sila sa ML, Pagkaupo namin ay napansin ko ang Lalaking nakasuntukan ni Jonathan kahapon na nakatingin sa amin ng masama, Kinunutan ko ito ng noo at tumayo para takpan si Jonathan.
" Bakit? " Tanong ni Jonathan sa likod ko, Pero hindi ko sya sinagot matapang kong tinaasan ng kilay si Tolentino at mukhang natauhan sya ng makita nya ako kaya umiwas ito ng tingin sa akin, Mang gagago ka pa ah!
" Good Morning, Class! " Bati sa amin ni Sir Kevs ng pumasok sya ng Classroom, nagkanya kanya namang umupo ang mga Maiingay kong kaklase.
" Good Morning, Sir " Bati naman namin pabalik sa kanya, Tumahimik kami habang si Sir Kevin ay tumingin sa dalawang estudyante na si Jonathan at Tolentino.
BINABASA MO ANG
Yani Swimmer (BxB) [Completed]
Teen FictionPaghanga na nauwi sa love, Ang nangyari kay Archie Domingo isang Senior High school student sa isang pribadong paaralan na puro lalaki lang ang maaaring mag aral, Kuntento na sya sa buhay, May makukulit at mapagkakatiwalaang barkada, May Kapatid na...