Chapter 21

106 6 2
                                    

Umasim ang reaksyon ko ng marinig ko mula sa kanya ito, Gusto nya ako? Gusto nya akong ligawan? Bakit pag siya ang nagsasabi ng mga ganitong bagay ay gustong gusto ko pero pag ibang tao o kaibigan ko ay halos pandirihan ko na.

" Baliw ka ba? " Hindi makapaniwala kong tanong dito.

" Siguro " desperadong sagot nya.

" Pwede ba kitang maging Boyfriend? " Tanong nya sa akin, sa inis ko ay agad kong hinawakan ang Collar nya tsaka tinulak palayo.

" Hindi ako katulad mo kaya 'wag kang umasa " matigas kong sabi dito at tinalikuran na sya, Naglakad ako palapit sa pinto ng rooftop ng magsalita sya ulit.

" Sigurado ka na ba sa sagot mo? Hindi pa ako nagsisimulang manligaw, Basted na agad? Ang sakit naman " seryosong sabi nito habang prenteng nakasandal sa bakal, Nilingon nya ako ng nakangiti, Bakit ang gwapo pa din ng mokong na ito??

" Hindi na ba magbabago ang isip mo? I'm giving you time to think about it, Archie kaya sana pag isipan mong mabuti  " Tanong nito, Ngumisi ako pero agad ding nagseryoso.

" Wala akong gusto sayo, Kaya 'wag ka ng umasa " Sabi ko dito at tinalikuran na sya ulit.

" Sweet " Sarkastiko nyang kumento sa sinabi ko, Inilingan ko sya at tuluyan na akong bumaba ng cafeteria, Bahala sya sa buhay nya, Nakatingin lang sa akin si Allison habang pinagmamasdan akong kumain, Pero hindi na sya nagtanong pa.

Nagtuloy ang araw namin na hindi kami nagpapansinan ni Jonathan, Hanggang sa swimming club ay tahimik kaming dalawa, Nakikipaghalubilo ako sa iba pero sya hindi sya kumikibo sa ibang kakilala nya, Nakipagpalit din ako ng partner at ngayon si Aljon ang kapartner ko, Tinuruan ako nito ng lahat ng dapat kong matutunan at mabuti nakuha ko kaagad.

" Go, Nicee! " Papuri nito at nag apir kaming dalawa, Napalingon ako kay Jonathan ng umahon ito sa tubig at iniwan ang partner nya.

" Anong nangyari dun? " Tanong ni Aljon sa partner na pinalitan ko.

" Tapos na nya ako turuan, May gagawin daw sya " Sabi ng bagong partner ni Jonathan, tumagal ang ilang minuto ay lumabas na si Jonathan na nakauniform, Hindi nya kami nilingon lahat, Pakialam ko ba? Nagtatanong ang lahat ng kasama namin kung ano ang nangyari sa isang Jonathan Villegas bakit bigla nalang itong naging cold?

Tumagal ang hindi namin pagpapansinan ng 1 month hanggang ngayon, Kaya mukhang nakakahalata na sina Marlon na Hindi na namin nakakasama si Jonathan, Hindi nalang kami nagsasalita ni Allison pero alam kong alam na ni Allison ang ibig sabihin nito.

Napakamot ako sa ulo ng wala akong maisip na isagot sa assignment ko online, Pagod akong sumandal sa gaming chair at pinagmasdan ang ceiling ko.

Tama ba yung desisyon ko? Tama naman ako hindi ko sya gusto, Tskk! Bahala na nga, biglang kumatok si Kuya Warren sa kwarto ko, Sumigaw ako ng pasok kaya pumasok sya at tumabi sa akin.

" Ano nilalaro mo? " Tanong nito habang nakahawak sa sandalan ng gaming chair ko at nanonood sa laro ko.

" LOL " Sagot ko dito.

" Yung hiking 'wag mo kalimutan, Next month na yun, nasabihan mo na ba si Jonathan? Hindi sya pwedeng mawala " paalala ni kuya warren at pumindot sa keyboard ko, inis kong tinabig ang kamay nya palayo dito dahil baka mamatay pa ako.

" Anong date ba? " Tanong ko dito at muling naglaro.

" Sa 15, 'wag mo kalimutan ah " sabi nito, Umiling ako habang nag lalaro, Tingin ba nya makakalimutan ko, Eh araw araw na nya itong pinapaalala, Ginulo nya ang buhok ko kaya nilingon ko sya ng may masamang tingin, Nakangisi lang ito hanggang makalabas ng kwarto ko.

Yani Swimmer (BxB) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon