Chapter 37

93 6 2
                                    

Archie Domingo POV

Hinampas ko ng lapis si Jonathan sa kamay nya habang nag sasagot kami ng magkatabi, Ngumisi ito at hinampas din ng mahina sa ulo ko ang lapis nya.

" Aray " Reklamo ko dito, Sumeryoso naman sya at agad hinawakan ang ulo ko.

" Sorry, Masakit ba? " Malambing nitong tanong, Napatingin ako sa paligid kaya agad akong lumayo sa kanya.

" Saan pupunta yung gunggong na yun? " Tanong ni Allison ng magsalita ito kaya napalingon kami sa kanya.

" Ano yun, pre? " Tanong ko dito, dahil nagsasalita sya ng mag isa.

" Si Marlon, Tumakbo palabas pagbigay nung Weaver pinakyuhan ko lang sya eh, Umalis na? asar talo amputa! " Sabi ni Allison.

" Pinakyuhan mo kasi " singit ni Jonathan.

" Kahit magpakyuhan pa kami magdamag, walang maaasar immune na yung hayup na yun " sabi naman ni Allison at umiling habang nahihiwagaan sa nangyari.

Pinasagutan sa amin ng teacher isa isa ang ginawa nyang powerpoint at dahil katabi ko si Jonathan, Nakasagot ako ng madami, Tutor na boyfriend pa, napatigil kami sa pagsusulat ng may bigla nalang magbukas ng pinto ng malakas atIsang estudyanteng hinihingal ang nakatayo duon.

" Sir, Si Manalo po nakikipag suntukan sa Cafeteria! " sumbong ng estudyante pagrinig na pagrinig palang ng apelyido ni Marlon ay agad napatayo si Allison pati na ako, Naunang tumakbo si Allison kasunod ako, Hindi ko alam kung sumunod ang teacher namin dahil pagdating namin sa Cafeteria ay nagkakagulo na.

" Marlon!! " Tawag ko dito dahil Walang makaawat kay Marlon na nakapatong sa Kaaway nito naWala ding tigil ang suntok, Agad namin syang hinawakan sa Braso tsaka inilayo, tinulungan ng mga estudyante ang nabugbog ni Marlon na makaupo.

" Bitawan nyo ako! Putang ina nyo " Sigaw ni Marlon na parang hindi na kami kilala.

" Marlon, Tama na " Sabi ko dito pero dinuro nya ang kaaway nya .

" Putang ina mo!! Hihiram ka ng mukha sa aso " tuloy pa ni Marlon, Haystt!! Ano bang nangyayari sa Lalaking ito? Yumakap si Allison kay Marlon para maawat ito, Pumalit sa kanya si Lucas, pero mabilis nya kaming itinulak para makawala sya sa hawak namin.

" Tang ina!! Tang ina mo! Tang ina Nyo!!! " Duro nya kay Allison, Napatingin siya sa akin at gigil na umiling.

" Tama na, Marlon nabugbog mo na sya " saway ni Lucas, para pakalmahin si Marlon pero sa kanya naman nito naibuntong ang galit.

" Isa ka pa, Tang ina mo! Mga gago kayo, Tang ina nyong lahat! " Sigaw ni Marlon dito, Nagulat ako ng suntokin sya ni Lucas sa Panga kaya agad itong natumba, Tutulungan ko na sana sya ng pigilan ako ni Allison.

" Tang ina mo! Anong problema mo at pati kami dinadamay mo? " Galit na asik ni Lucas sa kaibigan.

Matapos namin syang pagtulungan dalhin sa Clinic ay inasikaso na agad sya ng Nurse, sinabihan pa kami nitong mag istay nalang sa labas para tignan kung paano nito gamutin ang mga sugat na natamo ni Marlon sa Mukha, I even tried to call him but he won't look at me, para bang wala lang ako hindi lang pala ako, Pati din pala ang mga kaibigan ko.

" Hayst!! " Frustrated na ginulo ni Allison ang buhok nya, Nakaupo kami dito sa Labas ng Clinic para sana kamustahin si Marlon kaya lang tulog daw ito sabi ng Nurse.

" Ano bang nangyayari sa kaibigan nyo? " Inis na tanong ni Allison, Napatingin kami sa kanya.

" Kaibigan mo din yun " Sabi ko dito, umirap sya.

Yani Swimmer (BxB) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon