Archie Domingo POV
Napatingin ako sa kamay ni Jonathan ng hawakan nya ang manibela ko, shit! Nakuryente ako kaya mabilis ko itong binitawan pero hindi pa sya tumigil duon dahil inilapit pa nya ang mukha nya sa akin.
" Are you joining our club because I ask you? " Tanong nito ng seryoso, Umiling ako I tried to think more reasonable explaination kaya lang nagsalita ulit sya.
" Or is it because of me? " Tanong nya, Putcha naman oh!! Bakit ang bango nya?? Tapos basa pa yung buhok nya bagong ligo ba sya??
" Isa din iyan sa rason ko kung bakit naisipan kong sumali na, I guess Swimming is quite fun, so why don't give it a shot diba?? Wala namang mawawala " sagot ko dito na syang tinanguan nya, sa wakas ay nakahinga na ako ng maayos ng lumayo sya.
Kanina habang nakahiga ako sa kwarto, Hindi ako mapakali dahil sa alok nya, Well! I like Jonathan pero hindi yung like na gusto ko sya kasi may feelings ako, Kasi yung like na sinasabi ko ay gusto ko syang maging kaibigan.
" Okay, Next week ka pa pwedeng makapagregister " sabi nito at naangasan ako sa kanya ng lumakad sya habang nakalagay sa bulsa ang kanyang mga kamay, Huminto sya lumingon sa akin kaya sumakay ako sa bike ko at nagpedal palapit sa kanya, Huminto ako ng magkatapat na ulit kami.
" Here " Sabi nya at may hinugot na kung ano sa Bulsa, Tinitigan ko ang kamay nyang nakatiklop sa harap ko, Mamaya ipis pala yung nasa loob maprank pa ako, Nagulat ako ng kunin nya ang kamay kong nasa manibela at inilapag ang ointment duon.
" Ahhh, Para saan ito? " Tanong ko at tinitigan ang nasa palad ko.
" Ayaw mong pumunta ng clinic kanina para linisin iyang sugat mo, Kaya binili kita nyan " Walang gana nyang sabi habang nakatingin sa malayo, Magpapasalamat sana ako kaya lang naglalakad na sya ng tuluyan, Napangiti ako habang nakatingin sa likod nya.
" Ano, Tatayo ka nalang ba dyan? " Sabi nya habang nakatalikod.
" Sandali " nakangisi kong sabi at itinago ang ointment sa bulsa ko upang hindi mawala tsaka nagmadaling magpedal para sumabay sa kanyang paglalakad.
" Maglalakad ka lang? " Tanong ko dito, Nilingon nya lang ako pero hindi nya ako sinagot.
" Uyy! Ayaw mo magsalita? " Pangungulit ko dito.
" Hatid kita? " Alok ko dito ng nakangisi.
" Thanks but no Thanks " Sabi nito, Napasimangot naman ako, Bakit ang sungit!! Alam ko namang masungit sya pero nung nagmall kaming dalawa, ngiti sya ng ngiti ngayon naman halos mapunit na labi ko kakangiti hindi pa din sya ngumingiti, Hmp.
" Daan ka sa bahay? Malapit nalang naman " sabi ko dito, agad syang huminto kaya naipreno ko din ang Bike ko, humarap sya sa akin na may seryosong ekspresyon, Ihhh! Nakakatakot, pre.
" Bakit? " Nakasimangot kong tanong dito.
" Maybe you can clean my wounds? " Inginuso ko ang sugat ko sa braso, Tinaasan nya ako ng kilay.
" Malayo sa bituka, Hindi ba? " Sagot nya, napapout naman ako, Ang sungit nya!! Mabilis palang makaalala si Jonathan.
" Please?? " Pakiusap ko, Pero inismiran nya lang ako at nagmadali ng maglakad.
" Don't follow me " sabi nito at naglakad na para bang may ahas na nahabol sa kanya, Agad akong sumunod sa kanya sasabay nalang ako hanggang sa bahay.
" Uyy! Sandali " sabi ko dito, Hindi na naman sya nagsalita kaya hindi na din ako nangulit pa, hanggang sa huminto ako sa Tapat ng bahay namin tinawag ko sya para magpaalam na, Lumingon naman sya.
BINABASA MO ANG
Yani Swimmer (BxB) [Completed]
Novela JuvenilPaghanga na nauwi sa love, Ang nangyari kay Archie Domingo isang Senior High school student sa isang pribadong paaralan na puro lalaki lang ang maaaring mag aral, Kuntento na sya sa buhay, May makukulit at mapagkakatiwalaang barkada, May Kapatid na...