Kumuha ako ng Plain black polo at Trouser ko na Cream ang kulay, Inayos ko din sa Gucci Bag ko yung mga gamit ko tulad ng Wallet, Cellphone, Sunglass, suklay, Perfume,Headset at syempre hindi mawawala ang toothbrush ko.
" Good morning, Ma " Bati ko kay mama na nagkakamot ng ulo habang humihikab sa kusina, Palagay ko ay nagpapakulo ito ng tubig para sa kape nila ni kuya Warren.
" How do I look? " Tanong ko dito at umikot para makita nya ang itsura ko, Ngumiti sya at napapalakpak.
" Wow, Ang pogi naman ngayon ng anak ko " Puri nito sa akin at pinanggigilan ang pisngi ko.
" Ngayon lang? " Reklamo ko dito, Pinalo nya ang balikat ko ng mahina.
" At least, pogi ka ngayon " sabi nito at kumuha ng baso.
" Pero saan ba ang punta mo? " Tanong ni Mama, habang nakatalikod sa akin.
" Ahh, sa Intamuros ma Nagyaya kasi sila Lucas " paalam ko dito, Nakagat ko ang ibabang labi ko, Dahil kilala ko si Mama kailangan bago kami umalis ay magpapaalam muna sa kanya, Para pag isipan nya kung papayagan nya ba kami o hindi, Please!! Sana pumayag ka.
" Intramuros?? Kaya pala ganyan ang suot mo, OOTD ka na naman dun " Sabi nito at inilapag ang maligamgam na tubig sa harap ko.
" Opo " Sagot ko.
" Sige, Basta umuwi din kayo agad kung malelate ka man ng uwi magtext ka sa akin o kaya kay kuya mo para Kung walang masakyan ay ipapasundo kita " Paalala ni mama, Yesss!! Pumayag, Tumango ako at nakangiting uminom ng tubig, Sakto namang bumaba si kuya na nakahubad na naman, Akala mo talaga may magkakainterest sa katawan nya.
" Ma, Punta akong gym ah! Oh, Archie? Alis ka? " Turo nito sa akin at tinignan ako mula ulo hanggang paa.
" Sasama sana kita sa Gym eh " Sabi nito at napakamot sa ulo nya at Kinuha nya ang kape na iniinom ni mama, Mukhang hindi ito napansin ni Mama dahil sa akin lang ang atensyon nya.
" Hayaan mo ng makasama naman ni Archie ang mga kaibigan nya, Palagi naman kayong magkasama, Pagpahingahin mo naman ang kapatid mo " Sabi ni mama, Napangiti ako dahil ako ang kinakampihan ni mama at alam din ni mama ang struggle kapag kaming dalawa lang ni kuya warren.
" Makapagsabi ka ng pagpahingahin parang sinasabi mo namang minamaltrato ko ang kapatid ko, Ma" Reklamo nito kay mama, Nakakunot pa ang noo at inambahan ako ng suntok.
" Hoy, Wala akong sinabing ganyan " Sabi ni mama at napatingin sa basong hawak ni kuya.
" Magtimpla ka nga ng sarili mong kape, Bwiset nato " hinampas ni mama sa balikat si kuya kaya muntik na nitong maibuga sa akin ang kapeng nasa bibig nya, Sabay hablot ni mama sa Mug nya.
" Aray ko, parang hindi mo ako anak kung makahampas ka ahh " Reklamo na naman ni kuya, Habang pinupunasan ang bibig nya.
" Tabi, manunuod ako ng kdrama " Sabi ni mama at naglakad na patingo sa Sofa namin, Kaya minsan inuunaga na yan matulog kakanood ng sinusubaybayan nyang Mr.Queen.
" Lumakad ka na, Archie baka hinihintay ka na ng mga kaibigan mo, Sabihan mo silang bumisita naman dito para malutuan ko ulit sila, Siya nga pala Mag Iingat ha? " Nakangiting sabi ni mama sa akin tumango ako at sinuot na ang bag ko, Naramdaman ko naman ang paghigit ni kuya warren sa bag ko.
" Sinong kasama mo? " Tanong nito ng seryoso.
" Sila Lucas " Sagot ko dito.
" Umayos ka ah, Madami akong mata sa paligid, Archie " pagbabanta nito, Hinawakan ko ang bag ko.
BINABASA MO ANG
Yani Swimmer (BxB) [Completed]
Novela JuvenilPaghanga na nauwi sa love, Ang nangyari kay Archie Domingo isang Senior High school student sa isang pribadong paaralan na puro lalaki lang ang maaaring mag aral, Kuntento na sya sa buhay, May makukulit at mapagkakatiwalaang barkada, May Kapatid na...