Chapter 15

131 8 4
                                    

Napabangon ako habang hawak ang ulo kong matindi ang pagkirot, Nakailang bote ba kasi kami? Basta lang ako inom hindi ko alam dinuduga na pala ako ng mga kasama ko, napalingon ako sa aircon na sobrang lakas, Nakita kong halos mapunit na ang papel na nakalawit dito dahil sa lakas ng inilalabas na hangin ng aircon kaya tumayo ako mula sa kama para ioff ito, Humikab ako matapos kong mapatay ang himalayan aircon, Puta sobrang lamig eh.

Nag unat ako at apgharap ko sa kama ay napahinto ako, May lalaking nakatalikod at nakakumot sya, Napatingin ako sa katawan ko, Wala akong suot na damit at iba na ang pang ibabang suot ko shit!! Agad akong napatakip sa dibdib ko, Sino itong kasama ko?

Puta! Baka naman si Marlon ito gago, Mababatukan ko yan, dahan dahan kong kinuha ang damit ko na nasa kama pati na din ang jacket na nakalaylay sa kama at hindi sadyang nabitawan ko ito kaya pagkahulog nito ay lumikha ito ng ingay, hinintay ko muna kung gagalaw ang lalaki at hindi nga ako nagkamali, Pagharap nya ay isang Anghel na tulog ang nakita ko, Nakaipit ang buhok nya at ngayon ko lang nakita ang kabuuan ng mukha nya.

Ganito ba ako kagwapo matulog? Agad kong kinuha ang jacket ko ng magmulat sya ng mata ay agad akong Tumalikod at mabilis ang galaw na sinuot ang damit ko, Pati ang Jacket ko pagharap ko sa kanya ay nakaupo na sya at pinagmamasdan ang galaw ko.

" Alis ka na? " Tanong nito, Napahinto ako sa pagmemedyas dahil sa tanong niya.

" Ahh, Uwi na ako " Sabi ko dito, Nagulat ako ng hilahin nya ang kamay ko kaya napaupo ako sa kama.

" Ang aga pa, Breakfast muna tayo " Sabi nito nakaakbay sya sa akin tsaka umupo sa tabi ko.

" Infact may kailangan pa tayong pag usapan, Diba? " Sabi nito sabay para akong kinuryente ng pisilin nya ang pisngi ko, Tumayo sya at pumasok sa Banyo.

Ano namang pag uusapan namin? Pero hindi ko alam sa sarili ko kung bakit hindi pa ako umalis kaya Paglabas nya ng banyo ay sa akin agad sya nakatingin, Nasaan ba kami? Kumuha sya ng isang towel at nagpunas ng mukha palapit sa akin.

" Nasan tayo? " Tanong ko dito at kinapa ang Cellphone ko pero wala sa bulsa ang Cellphone at wallet ko.

" Sa bahay ko " Sagot nito agad akong nag angat ng tingin sa kanya at hindi ko naiwasang mapagmasdan yung tiyan nya, Napahawak ako sa tiyan ko, Bakit wala akong ganun?

" Hey " tawag pansin nito sa akin at nahimigan ko ang pagtawa nya ng konti dahil sa pagtingin ko.

" Sa bahay mo? Asan sila? " Sunod sunod kong tanong dito na syang tinawanan nya.

" Nasa bahay kita at sila naiwan sa bahay ng kaibigan nyo " Sagot nito sa dalawang tanong ko.

" Kung sila nakina Taki, eh ako! Bakit ako nandito? Bakit nasa bahay mo ako? " Sunod sunod ko na naman tanong, Umupo sya sa kama at itinukod ang dalawang kamay sa likod nya tsaka tumingin sa akin.

" Ikaw lang ang makakasagot nyan kung bakit ka nandito " Sagot nito at ngumiti.

" Hindi ko nga maalala eh, pwedeng sagutin mo nalang? " Sabi ko dito nakita ko ang pagnguso nya, Maybe I disappoint him?

" Sumama ka dito " sagot nya sa akin.

" Sumama?Ako?Bakit? " Tanong ko na naman.

" Basta sumama ka, Sabi mo ayaw mong katabi matulog si Marlon and Taki Offered you their Guest room pero ayaw mo pa din, sabi mo ihahatid nalang kita sa bahay nyo " kwento nito sa nangyari, May naaalala akong ilang bagay sa mga sinabi niya kaya napasabunot ako sa bangs ko, Shit!! Iniwan ko ang mga kaibigan ko? Bigla kong nilingon si Jonathan.

Yani Swimmer (BxB) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon