Prologue

3.1K 35 3
                                    

Sa lugar ng concepcion ay masayang tinatanghal ang street dance na kinabibilangan ng mga kabataan sa paaralang south.

Karamihan ay nakasuot ng kasaykasayang kasuotan habang isinasayaw ang sto nino.

Ang ilan ay naka-pang bihis ati-atihan kung tawagin nila, ibat ibang kasuotan at pakulo ang meron sila habang naglalakad sa kahabaan ng san nicolas road.

Naroon ang pamilyang martinez at nakikisalamuha sa mga kapampangang naroon. Walang magawa ang binatang martinez kung hindi humalukipkip dahil sa inip na namumutawi sa kanyang sistema.

Ang pagdiriwang na ito ay isang 'boring na pangyayari' para sa kanya. Nais na niyang bumalik ng manila at magtrabaho na.

Mas gugustuhin nitong harapin ang sandamakmak na trabaho sa site kesa mamatay sa pagkainip dito habang pinapanuod ang mga kabataang sumasayaw.

”Salamat po sa donasyong ibinigay niyo..” nilingon niya ang mga guro na ubod ng pagpapasalamat sa kanyang lolo.

Ito'y si Rodolfo Martinez

Isang DEAN sa fatima ang kanyang lolo, doon nag-aral ng highschool at kolehiyo si Giovanni Martinez, ang binatang walang inatupag kundi pagba-babae at alak.

Kaya't hangga ngayong nasa edad bente singko na ay wala pa rin syang sineryosong babae sa mga nakikilala nya.

”Babalik kami rito sa susunod na buwan, itong apo ko. Isa s'yang engineer at hahawakan niya ang bagong paaralan na itatayo rito..” napamura si giovanni dahil sa inasal ng kanyang great grandfather. Wala naman siyang magawa kundi sumunod, mas takot pa siya sa kanyang lolo kesa sa mga magulang niyang wala rito.

Bukod tanging ang kanyang tiyuhin ang kasama nila at ang batang pamangkin nito.

”Hindi ba apo?”

”Yes, I will do my best to build a nice building here..” iyon ang sagot ni giovanni na halos lumabas sa kanyang ilong, sukong suko na siya sa probinsyang ito.

Naiinip at para na siyang mahihimatay ano mang oras. Nais na nitong takasan ang kanyang lolo upang mauna ng umuwi ng manila.

”Excuse me, titingin lang ako ng maiinom..” tumango ang senyor habang pinaliligiran ng bodyguard, aakma pang susunod ang isang bodyguard ngunit umiling bigla si giovanni.

”I can handle myself, stop following me..” masungit at maawtoridad na tinig ang pagkakasabi nito, umatras ang lalake ng senyasan siya ng senyor na hayaang umalis ang apo niya.

Nakahinga ng maayos si giovanni ng makatakas sa kumpulang iyon, ngunit dahil fiesta sa bayan ng kanilang pinuntahan ay alon-along tao ang kanyang nakakasalubong.

Halos magusot ang suot niyang suit dahil sa kabataang kanyang nakakasalubong, idagdag mo pa na ang daming batang pakalat-kalat na nanghihingi ng limos.

”This place is getting on my nerves!” inayos niya ang necktie ng makalapit sa kotse, ngunit dahil sa sobrang init ay talaga namang uhaw na uhaw sya.

Hindi man lang naisipan ng mga taong iyon na bigyan sila ng tubig.

”I won't never comeback here!” lumakad siya patungo sa mga nagtitinda ng palamig, hindi niya ito karaniwang ginagawa ngunit wala siyang pagpipilian kundi inumin iyon dahil matutuyuan na siya ng lalamunan kung hindi pa siya iinom.

”How much?” nagtutulakan ang mga tindera dahil sa kagwapuhan nito, hindi magkanda-uga ang mga dalaga kung sino sa kanila ang magsasalin ng buko.

”Limang piso lang kuya pogi..”

”Can i have one, please..” impit na pagtili ang kanyang narinig, sanay na siya kaya't balewala lamang ang mga iyon. Ilang babae ba ang sumisigaw sa pangalan niya, naglilimos sa kanyang atensyon at nauuhaw sa kanyang ngiti.

”Keep the change..” limang daan ang nilahad niya bago ito kumindat sa dalawa, halos mahimatay ang mga kababaihan sa kindat at ngising iyon ni giovanni.

”Ang gwapo niya!” iyon pa ang huli niyang narinig bago tuluyang tumawid ng kalsada dala ang baso ng buko juice.

Balak sana niya itong inumin ng bigla ay may kumuha sa hawak niya.

”Holysh*t!” isang madungis na babae ang uminom sa buko na binili niya, magulo ang buhok at amoy kalsada ang nasa harapan niya.. ”That's f*cking mine!” nilingon siya ng dalaga na pakurap-kurap, nagtaka pa si giovanni kung bakit berde ang mata nito. Ngunit dahil naiinis siya ay nilagpasan niya iyon na halos pagmumura ang lumalabas sa kanyang bibig.

”I hate this s*ck place!” pinagsisipa niya ang gulong ng kanyang kotse bago buksan ang pinto, ngunit biglang tumunog ang cellphone niya dahilan upang hindi ito makasakay.

Dinukot niya iyon sa kanyang bulsa at madaling bumungad ang pangalan ng kanyang lolo.

Sinagot niya iyon ng walang pag-aalinlangan. ”Im on my way home..” iyon ang sinabi ni giovanni sa tinig na iritable. Nais na niyang umalis sa lugar na ito, hindi siya sanay sa mga simpleng bagay lalo na sa mga taong nagtataka sa kanyang kasuotan.

”May kumuha sa tungkod ko, hindi ko makita..”

”Lolo, I want to go home. May emergency sa site at kailangan ako doon..”

”Gusto ko ang tungkod na 'yon, kung makita mo man ang babaeng may dala 'non ay harangin mo!”

”Yes lo, I will...” binaba niya na ang tawag  habang nakabusangot, pati ba naman tungkod?

Bakit hindi siya bumili ng bago?

Ang dami niyang pera!

Pumasok ito ng kotse na halos padabog, sobra ang kairatasyong nararamdaman niya lalo na ng maamoy nito ang loob ng kanyang kotse.

Ang baho!

”Whats that smell!” naiinis siya sa amoy ng kotse, luminga-linga pa ito bago hagilapin ang pabango. ”Nadamay na ang kotse ko!” halos ubusin nito ang pabango para lamang mawaglit ang masangsang na amoy.

Iniisip nito na baka siya ang mabaho dahil sa kumpulan ng tao kanina, kailangan ko ng pang-matagalang ligo mamaya!

ILANG ORAS ang biyahe bago ito nakabalik ng manila, nakahinga siya ng maluwang habang namamahinga sa loob ng kotse.

Itinuwid pa niya ang paa at kamay upang panandaliang mag-stretch.

Humikab siya at doon sa rear mirror ito napatingin na nagpasigaw sa kanya.

”What the h*ll are you doing here!”

Nanlalaki ang kanyang mata ng lingunin nito ang dalagang may berde ang mata, hawak pa rin nito ang baso na wala ng laman habang nasa kaliwang kamay ang itim na mahabang baston.

Ang paboritong tungkod ng kanyang great grandfather ay nasa pulubing babae.

*****

This is a work of fiction.

Nasa series 5 na tayo, fast forward ang kwentong ito dahil nakapag-tapos na si giovanni dito at nagtatrabaho bilang engineer.

Welcome to my Adonis series 5

Expect delay and slow update, dahil tinatapos ko pa ang series 4. Pinakita ko lang ang prologue para may ideya na kayo sa story ni giovanni. ❤️❤️

Power Of Seduction (Adonis Series 5)Where stories live. Discover now