Suspect

614 13 4
                                    

Chapter 46

Third Person Pov.

“Kumikilos na ang mga tauhan ni romolo, sir martinez." mula sa kabilang linya ay dinig ni giovanni ang mga huni ng sasakyan na tila nasa kalsada ang kausap nito.

Hindi pa rin siya pinapatahimik ng balitang iyon at para ba‘ng nagdadala iyon ng kabalisaan sa kaisipan ng binata.

“Stanlee call me, tinatanong ko kung anong lagay ni lolo but he ended the call." iyon ang hinaing ni giovanni habang iniisip kung ano na nga ba ang nangyari sa senyor.

“Sir rodolfo is safe. Wala namang nangyaring masama sa kanya," nakahinga ng maluwang si giovanni matapos niyang marinig na ligtas lamang ang kanyang lolo.

“Nahuli ba nila ang gumawa ‘non kay lolo?"

“Iniimbestigahan pa nila ang pamamaril. Nakuha rin sa CCTV ang pangyayari kaya siguradong mapapadali lang ang paghahanap," muli ay napa-upo si giovanni sa swivel chair nito bago hilutin ang kanyang sintido.

“Sigurado ba kayo na mga tauhan iyon ni romolo?"

“Bumase kami sa statement ng lolo mo. Wala naman daw siyang naka-alitan o kaaway sa ngayon, wala din siyang alam kung sino ba ang gagawa ‘non sa kanya."

Napapikit si giovanni bago bumuntong hininga. “Thanks god his safe,"

“Hindi ang lolo mo ang pakay nila," napamulat muli si giovanni dahil sa sinabi ng private investigator nito. “They just want to scared him, nagbigay lamang sila ng babala."

“Paano mo nasabi ‘yan?"

“Kung ang lolo mo ang tunay nilang pakay, hindi ang likod ng kotse ang kanilang pupuntiryahin. Kundi, iyong kinaroroonan na mismo ni sir rodolfo ang kanilang sasadyain. Ngunit dahil hindi ang lolo mo ang kailangan nila, ang sasakyan lamang ang natamaan ay hindi siya."

Hindi nakapag-bigay imik si giovanni sa sinabi nito. Dahil doon ay tuluyan na siyang nalinawan na ang mga tauhan talaga ni romolo ang mga may gawa ‘non.

“Hinahanap ka ni sir rodolfo, hindi ka ba uuwi dito para kamustahin siya?"

Muli ay bumuntong hininga si giovanni bago umayos ng pagkaka-upo. “Kung uuwi man ako, siguradong masusundan na ako ng mga kalaban sa oras na balikan ko si belinda."

“Wala akong sinabi na balikan mo si belinda, sir martinez. Gusto ko lang sanang ipahatid sayo na resolbahin mo muna ang problemang ito habang nagtatago si belinda,"

“Are you saying that i will leave belinda here alone?"

“May mga kasama diyan si belinda, hindi ba? Kung ang mga pulisya lang ang kikilos, sa tingin mo ba matatapos ang gulo? We need to find her parents, sir martinez. Sila lang ang makakaligtas sa anak nila,"

“Kung ikaw hindi mo sila mahanap, ako pa kaya."

“Then you need to talk and ask some help from jhenny. Hindi ba‘t sinabi mo‘ng nakaka-usap niya si romolo?"

Panandaliang natigilan si giovanni sa sinabi niyang iyon. Hindi niya alam kung matutulungan ba talaga siya ni jhenny o baka mas lalo lang lumala ang lahat.

“Kung hindi ka pa gagawa ng paraan, sir martinez. Baka pag-uwi mo dito sa manila, wala ka ng babalikan."

Napamura si giovanni bago niya ibaba ang kanyang cellphone. Pinatay nito ang tawag dahil hindi niya alam kung anong magiging desisyon nito, importante kay giovanni ang kanyang pamilya ngunit natitiyak niyang matatagalan ang pagbalik nito sa isla kung sakali man na bumalik siya ng manila.

Iniisip niya ang magiging lagay ni belinda. Ayaw niyang iwanan ang dalaga dito na kasama ang mga tauhan niya dahil baka iba na ang isipin ni belinda. Natatakot siya na baka pagbalik nito sa isla ay galit na ang dalaga sa kanya.

Power Of Seduction (Adonis Series 5)Where stories live. Discover now