Loving her

461 11 4
                                    

Chapter 45

Giovanni Pov.

It was one week passed since belinda got sick because of our first night. Medyo maayos na ang pakiramdam niya at nakaka-kilos na rin ito ng mabuti dahil sa mga gamot na ibinigay sa kanya.

Nagpapa-salamat din ako kay manang susan dahil kahit papaano ay nakatulong siya sa pagpapa-galing ni belinda.

“Pwede na ba akong lumabas, gio?" nasa veranda kami sa isang kwarto kung saan natatanaw namin ang malawak na lugar ng isla. Hindi ko rin malaman kung paano ito natagpuan ni stanlee, masyadong tago ang lugar na ito ngunit malawak ang nakikita ko‘ng isla.

“Hindi ako pamilyar sa lugar na ‘to, belinda. Baka may kung anong makita tayo sa ibaba," nangunot ang noo niya sa sinabi ko.

“Mukhang wala naman nakakatakot sa labas. Doon lang tayo, malapit sa tubig." hindi ako sumagot sa sinabi niya. Nakapunta na nga ako doon noong kausap ang private investigator ko, ngunit hindi ako siguro kung wala ba‘ng nakatirang hayop sa isla.

“Gusto ko lang makita ng malapitan iyon, gio. Hindi naman tayo lalayo," napabuntong hininga ako bago tumango.

“Fine, fine. Change your clothes," mabilis na natuwa si belinda sa pagpayag ko. Ayoko ring lumabas siya na ganoon ang suot dahil mga lalake ang tauhan ko, kung ako lang ang nakaka-kita ay ayos lang. Pero kung lalabas siya ng kwarto ay kailangan niyang palitan ang maiiksing bistida na sinusuot nito.

“Magtatagal ba tayo dito, gio?" nilingon ko siya habang palabas na kami. Naka-bistida pa rin ito ngunit mahaba naman iyon at may manggas, hindi tulad ng suot niya kanina.

“Sa susunod na taon tayo babalik ng manila,"

“Matagal pala, 12months pa hindi ba?"

“Yes, belinda. It’s still dangerous, we need to stop thoose enemies who‘s looking for you." habang naglalakad kami palabas, ramdam ko ang titig sa akin ni belinda na para ba‘ng iniintindi nito ang sinabi ko.

“Hindi ko alam kung bakit hinahanap ulit ako ni pader romolo. Gusto ba niya uli akong ibenta?"

Hindi ako sumagot sa tanong niya. Natatanaw ko na ang maalwalas na tubig sa isla habang ang hangin ay humahampas sa aming katawan.

“Wala naman akong maraming pera, atsaka. Hindi ko kilala kung sino talaga ako, kung sino-sino lang ang mga tumutulong sa akin noon." nilingon ko siya dahil sa sinabi niyang iyon. Para ba’ng may naaalala na siya sa mga nangyari noon sa kanya.

“Natatandaan mo ba?"

Tumango siya. “Oo, noong nasa mansyon tayo. Madalas ko’ng mapanaginipan iyon, natatakot lamang akong isipin dahil ayoko na lang balikan."

“Why are you afraid on fire?"

“Fire?"

Tumango ako, naglalakad pa rin kami palapit sa dalampasigan kung saan natatanaw na namin ang kabuuan ng isla maging ng kakahuyan.

“Noong nasunog ang kusina, natakot ka. Sumisigaw ka at nanginginig, natatandaan ko pa rin ‘yon hangga ngayon."

“I-iyong sunog ba?" huminto ako sa paglalakad bago ngumiti ng pilit.

“Huwag na, don‘t force yourself to remember that. Baka sumakit na naman ang ulo mo,"

“Nasunog ang ampunan noon," nakatitig ako kay belinda matapos niyang sabihin iyon. “Naiwan ako sa kwarto ko, walang tumutulong sa akin hangga sa lumaki ng husto ang apoy."

“Then how did you survive that fire?"

“Tinulungan ako ng kaibigan ko dahil narinig niya akong umiiyak. Nakalabas ako bago bumagsak ang kisame ng kwarto, pero ‘yung kaibigan ko. H-hindi na nakalabas,"

Power Of Seduction (Adonis Series 5)Where stories live. Discover now