Protector

413 13 3
                                    

Chapter 36

Third Person Pov.

Nang matukoy nila ang lokasyon ni belinda mula kay apollo. Agaran silang nagtungo sa lugar na iyon kung saan napag-alaman ni stanlee na ang tinuturong lokasyon ay isang bar.

Mainit na ang ulo ni giovanni nang sabihin ni stanlee na ang kinaroroonang lugar ni belinda ay ang imigo’s bar na pinupuntahan niya noon.

Halos lumipad na ang kotse ni giovanni dahil sa bilis ng pagpapatakbo nila. Wala siyang planong bagalan ang takbo ng kotse dahil kung pwede lang ay liparin na nito ang lokasyon ng dalaga.

Nang marating nga ang bar na hinahanap nila. Agaran ng bumaba si giovanni upang pumasok sa loob, wala ng tanong-tanong sa mga bouncer dahil nais na nga niyang makita si belinda. Ngunit imbes na si belinda ang makita niya, ang mga kaibigan nito ang kanyang namataan na ngayo‘y masayang umiindak kasama ang ilang lalake.

Nakita ni giovanni si julia kung kaya‘t mabilis niya itong nilapitan. Nakasunod naman na si stanlee habang nagmamasid rin dahil nakita na niya sa isang litrato si belinda.

“Julia!" marahas na hinuli ni giovanni ang kamay ng dalaga matapos niyang makalapit. Nagulat ito sa biglaang pagsulpot ng binata maging ang paghawak niya sa kanya.

“G-giovanni?"

“Where‘s belinda!" doon lang nagawang bumalik ni julia sa reyalidad. Napukaw na kasi ng husto ang kaisipan niya sa kasasayaw maging sa pag-inom ng alak. Nakalimutan na rin niyang kasama nito si belinda na ngayo‘y wala na sa tabi niya.

“N-nandito lang siya k-kanina, h-hindi ko alam kung saan siya p-pumunta.."

“Sh-t!" napahilamos si giovanni sa kanyang mukha. “Sino ba kasing nagsabi sayo na isama mo si belinda dito!"

“H-hindi ko naman siya pinilit, giovanni. A-atsaka hindi ko alam na aalis siya..." ilang ulit pang nagmura si giovanni habang nililibot nito ang paningin. At bago siya magtungo sa main office ng bar ay muli niya pang nilingon si julia.

“Sa oras na may mangyaring masama kay belinda, umpisahan mo ng magtago." giovanni warned her before turn his back on julia. Dumiretso siya sa opisina ng bar upang i-check ang buong CCTV. Dahil kasama pa nito si stanlee ay hindi siya nahirapang kausapin ang taong nakaupo sa harapan ng computer.

Ilang minuto lang din nang makita nila si belinda sa footage kung saan malapit nga siya sa dancefloor. Doon na rin nasaksihan ni giovanni ang pagsama nito sa isang lalake kung kaya’t sinuri nila ang cctv sa parking area, nakita nga doon na sumakay si belinda sa sasakyan ng lalake. Dahil naroon ang manager na kasama nila, nakilala niya kung sino ang lalakeng tumangay kay belinda.

Nasabi nito na madalas talaga siyang mag-uwi ng babae sa kanyang condo. At nasisiguro nito na si belinda ang siyang natipuhan niya na tiyak ng sumama sa binata.

Mabilis na kumilos si giovanni upang magtungo sa address na sinabi ng manager. Tulad lamang kanina, wala siyang pinalagpas na oras dahil halos takbuhin nila ng sampung minuto ang address kung saan naroon ang condo ng lalake.

Nakita nga nila ang ginamit nitong kotse kung kaya‘t agaran na nilang pinasok ang loob. Hindi na nagawang harangin ng guard si giovanni dahil mabilis ng ipinakita ni stanlee ang hawak niya.

“Im officer stanlee Salvador, were looking for a woman who kidnapped earlier." iyon ang siyang sinabi ni stanlee upang hindi nila pigilan si giovanni na ngayo‘y nagtatanong na sa front desk kung saan naroon ang kwarto ng lalakeng kasama ni belinda.

Power Of Seduction (Adonis Series 5)Where stories live. Discover now