SECRETS

469 18 3
                                    

Chapter 23

Third Person Pov.

Dahil sa utos na iyon ni giovanni na palabasin ang dalaga. Nakalimutan tuloy ni belinda na sabihin ang pakay niya, nawala na rin kasi iyon sa isip nito dahil sa ginawang iyon ni giovanni sa kanya.

Para ba'ng nagkaroon iyon ng ibang epekto sa kanya kahit na hindi naman iyon ang unang beses na hinalikan siya ni giovanni.

Ngunit kakaiba ang nararamdaman niya. Para ba'ng nagugustuhan na niya iyon maski hindi nito alam kung para saan ba ang bawat halik na iginagawad ng binata.

KINAGABIHAN ng araw na iyon, habang nasa sala si belinda at nanonood ng isang animation na nakita niya sa youtube. Namataan nitong pababa si giovanni sa hagdan na kagigising lamang. Hindi ito bumaba kanina kaya halos ngayon lamang sila magkikita matapos ng nangyari sa kwarto ng binata.

“Gio!“ agad siyang pinansin ng dalaga habang pababa ito ng hagdan. Isang malaking ngiti ang nasa labi ni belinda habang hinihintay makababa si giovanni.

Pagkababa ng binata, agaran siyang lumapit sa likuran ng dalaga upang tingnan kung anong pinapanood nito.

What’s that?" aniyang tanong habang salubong ang kanyang kilay.

"Nakakatuwa siya, panoorin mo!“

"I don't like that videos.“ nakasimangot ang binata at binalewala ang pinapakita ng dalaga. Ngunit lumakad siya at naupo sa tabi nito. "Kumain na ba kayo?“

"Kanina pa, gio. Bakit ngayon ka lang bumaba?"

"Nakatulog ako."

"Pagod ka ba? Hindi ka naman nagtrabaho di ba?"

"Yes, but i need some rest even it once. Kailangan iyon ng tao." tumango tango si belinda sa sinabing iyon ni giovanni.

Hindi na rin ito nanood muli dahil nga na kay giovanni na ang atensyon nito.

"Ako sobra na sa pahinga, lagi na lang akong nandito sa loob."

"That's for your own goods..“ ngumuso ang dalaga dahil sa sinabi niya.

"Alam ko, pero pinayagan na ako ni lolo rod na mag-aral sa fatima." dahil sa sinabing iyon ni belinda, mabilis na nangunot ang noo ni giovanni habang nakatingin dito.

"Anong sabi mo?"

"Hindi mo ba ako narinig? Ang sabi ko, pumayag na si lolo rod na mag-aral ako. Ang kaso lang, sa susunod na pasukan pa iyon. Hindi pa daw ngayon dahil kailangan ko pang mag-aral ng mabuti."

Napaismid si giovanni dahil sa nalaman niyang iyon. "Bakit hindi mo muna ako tinanong kung papayag ba ako?"

Bahagyang bumuka ang bibig ni belinda dahilan upang sulyapan ito ni giovanni. Alam niyang pagdating sa dalaga ay nag-iiba ang takbo ng sistema niya, para ba itong isang robot na bigla na lamang nasisiraan ng system.

"Hindi ka naman din papayag, alam ko iyon. Pero gusto kong mag-aral don eh."

"Its a no for me..“

"Oh di ba! Dapat ay hindi ko na sinabi sayo!"

"Masyadong delikado kung papasok ka ng fatima, marami kang makakasalamuhang tao at hindi iyon makakabuti sayo." ngumuso ang dalaga ngunit hindi pa rin ito kumbinsido.

"Kung makakasama pala sakin, bakit pumayag si lolo rod?"

"Dahil hindi siya makatanggi sayo, ayaw niyang malungkot ka kaya pumayag siya!"

Power Of Seduction (Adonis Series 5)Where stories live. Discover now