Pagtatago

387 12 0
                                    

Chapter 41

Third Person Pov.

KINABUKASAN.....

Awtomatikong nagising ang dalaga sa isang masamang panaginip. Halos mabilis ang kanyang paghinga dahil sa nangyaring eksena sa panaginip nito. Pinagpapawisan siya kahit malamig naman sa kanyang silid, para pa rin siyang hinahabol ng taong nasa panaginip nito dahil nasa sistema pa rin niya ang takot.

Hindi halos nakalimutan ng dalaga ang nangyari kagabi, ang pagkikitang muli nila ni pader romolo ay tila ba bangungot iyon para sa kanya.

Dahil sa nangyaring iyon. Para ba’ng ayaw na niyang lumabas at mas nanaisin na lamang niyang magkulong sa kanyang silid. Natatakot siya dahil hindi pa rin nawawala sa kanyang alaala ang pagkikita nila ni pader romolo.

Ngunit sa kabilang banda, may nararamdaman pa rin itong kaligtasan sa piling ni giovanni. Alam niyang hindi siya pababayaan ng binata ano man ang naghihintay na panganib sa kanya.

“Belinda?" sa pananahimik ng dalaga ay narinig nito ang tinig ni yaya glor. Pumasok ang ginang sa silid nito habang siya ay nanatiling naka-upo sa kama.

“Hindi ka ba papasok?" iyon ang tanong ni yaya glor matapos niyang makalapit sa dalaga. “Nasa ibaba na si owen, siya ang maghahatid sayo ngayong araw."

“Maayos na po ba si owen?" tumango si yaya glor sa tanong ng dalaga. Ang alam kasi ni belinda ay hindi muna siya maihahatid ni owen dahil na rin sa nangyaring kagabi, alam rin niya na abala ang binata kaya‘t inaasahan na niyang si giovanni ang maghahatid sa kanya.

“Wala naman akong nakikitang problema sa bodyguard mo, mukhang maayos naman siya." tumango na lamang si belida sa sinabing iyon ng ginang. Wala din naman problema kung si owen ang maghahatid sa kanya, alam naman din niyang hindi siya pababayaan ng binata.

MATAPOS maghanda ni belinda sa pagpasok. Bumaba muna ito para mag-almusal, inaasahan na niyang makakasabay nito si giovanni ngunit hindi nito nakita ang binata sa hapag-kainan.

“Nasaan po si gio?" hindi pa man nakaka-upo ang dalaga ay iyon na ang tanong niya sa ginang. Bukod tanging si owen lamang ang nadatnan niya kung saan nagkakape ito sa pwesto ni giovanni.

“Maagang umalis si giovanni, may aasikasuhin daw siya sa site." napanguso ang dalaga sa narinig. Hindi na rin niya naabutan ang senyor dahil malamang ay nasa unibersidad na ito.

Nais sanang itanong ng dalaga kung anong pinag-kakaabalahan ni giovanni ngunit pinigilan na lamang niya ang sarili. Naupo na ito sa kanyang pwesto kung saan agad siyang pinagsilbihan ni yaya glor.

“Are you okay?" nilingon ng dalaga si owen matapos niyang itanong iyon. Tumango si belinda at pilit na ginawaran ng tipid na ngiti si owen.

“Ayos lang ako, ikaw ba? Wala ka ba‘ng sugat?" ngumiti si owen bago ito umiling.

“Wala naman, hindi ako tinatablan ng sugat."

“Mabuti naman kung ganon, baka bumalik si pader romolo."

“Kung babalik man siya, hinding hindi ka niya masasaktan. Maraming pumo-protekta sayo, belinda. Isa na ‘don si giovanni," napanguso ang dalaga dahil sa sinabi ni owen.

“Kung pinoprotektahan pala niya ako, bakit wala siya ngayon dito?"

“May ginagawa lang siya, para din sayo iyon. Sa kaligtasan mo," mahina lamang ang tinig ni owen dahil hindi rin niya nais iparinig kay yaya glor ang usapan nila. Wala din naman silang alam sa nangyayari at wala silang ideya na nasa panganib ang buhay ni belinda.

SINABAYAN ni owen na kumain ang dalaga upang hindi ito mawalan ng gana. Pasado alas siete na rin ng maka-alis sila ng mansyon kung saan agad niyang nireport iyon kay giovanni.

Power Of Seduction (Adonis Series 5)Where stories live. Discover now