The Party

540 19 6
                                    

Chapter 31

Third Person Pov.

Malamig na umaga ang bumungad sa dalawa habang nakahiga sila sa kama. Naunang nagising si giovanni habang huli namang nagising si belinda, mahabang minuto na nitong pinapanood ang natutulog na dalaga dahil na rin maaga siyang nagising, saktong alas sais naman ng magising si belinda dahil sa pag-hawi ni giovanni sa kanyang buhok.

Agarang bumungad sa dalaga ang gwapong mukha ni giovanni. Seryoso lang siyang nakatingin kay belinda habang nakahiga ito sa kanyang braso.

"Bakit hindi mo ako ginising, gio?" kinusot ni belinda ang kanyang mata bago tuluyang maupo sa kama. Nanatili naman ng nakahiga sa giovanni dahil wala pa siyang lakas para bumangon.

Para bang nais na lamang niyang mahiga buong maghapon habang katabi ang dalaga.

"It's too early, belinda. Alas otso pa ang klase mo ngayong umaga." napaisip si belinda kung totoong alas otso pa ang klase nila ngayong umaga. Ngunit hindi na rin niya iyon matandaan dahil ang naisip lamang nito ay ang takdang aralin niyang ipapasa.

"Bawal bang pumasok ng maaga?" nangunot ang noo ni giovanni.

"Bakit maaga? Wala ka naman gagawin doon kung hindi ang maghintay lang, mas mabuting dumating ka sa silid mo pag naroon na ang guro mo." inisip rin ni belinda ang sinabing iyon ni giovanni. Ngunit wala naman problema sa kanya kung maghihintay siya ng matagal, ayos lang iyon dahil nagbabasa naman siya kung wala pa ang guro nito.

"Mag-aalmusal na ako sa ibaba, hindi ka pa ba pupunta 'don?" nakasimangot si giovanni at hindi sinagot ang dalaga. Nag-iwas lang siya ng tingin kung saan nais nitong ipadama sa dalaga na hindi nito nagustuhan ang sinabi niya.

"Bakit ganyan ang mukha mo, gio? Para kang galit, ayaw mo bang pumasok ako ng maaga?"

"I want you to hug me all day, but i know your excited to go and study. Huwag mo na lang akong pansinin." nangunot ang noo ng dalaga sa sinabing iyon ng binata.

"Nagagalit ka ba?"

"No, ofcourse." naupo si giovanni sa kama kung saan mataman niya kung titigan ang dalaga. "Hindi kita dapat hinihigpitan, im sorry."

Ngumiti si belinda. "Hinihigpitan mo ba ako? Parang hindi naman eh.."

"Hindi iyon, iba ang tinutukoy ko. Ang ibig kong sabihin, hindi ko na nais pagbawalan ka lagi sa gusto mo. Baka magsawa ka at ikaw ang tuluyang magalit sakin." nangunot ang noo ni belinda habang iniintindi ang mahabang sinabi ni giovanni. Ngunit kalaunan ay umiling ito upang ipabatid na hindi iyon mangyayari.

"Hindi ako magagalit sayo, gio. Promise 'yon, kahit anong gawin mo. Bati lang tayo lagi."

Natawa si giovanni bago tumango. "Sana nga, bella. Sana."

NANG UMAGANG iyon ay hindi sila sabay na bumaba. Nauna si belinda na ngayo'y katatapos lamang maligo dahil na rin may pasok pa siya. Nagtungo ito ng dinning upang makakain na ng almusal, naabutan pa nito roon ang senyor na si rodolfo na kumakain.

"Anong oras ang klase mo ngayon, hija?" iyon ang siyang tinanong ng matanda habang kumukuha ng makakain ang dalaga.

"Mamayang alas otso pa po." tumango ang senyor, marahan ang pag-nguya nito bago mabaling muli ang paningin niya sa bagong dating.

Bihis na si giovanni at halatang may lalakarin ito sa kanyang ayos.

"Ihahatid mo ba si belinda? Wala si owen ngayon, nagpa-alam siya na hindi muna maihahatid si belinda." tumango si giovanni sa sinabing iyon ng lolo niya.

"Ofcourse, no problem." may inilapag na kape sa yaya glor sa gilid nito habang kumukuha siya ng pagkain. Hindi siya kumuha ng kanin dahil halos ulam at tinapay lamang ang nasa plato niya.

Power Of Seduction (Adonis Series 5)Where stories live. Discover now