Pag-alis at pagbabalik

430 18 4
                                    

Chapter 20

Third Person Pov.

NANG araw na iyon ng dumating si carlo sa mansyon. Nanatili lamang sila sa sala gaya ng nais ni giovanni, wala naman din ibang nabanggit si bella tungkol sa lahat ng sinabi ni giovanni kanina ngunit may isang bagay na hindi ito nakakalimutan.

“Kaloy, may tatanong bella..” nilingon siya ng binata matapos niyang magsalita. Nasa sala sila habang katapat lahat ng libro at papel.

“May hindi ka ba naiintindihan?” umiling sila bella sa tanong niyang iyon. Hindi naman na kasi iyon ang nais niyang itanong kundi ay ang sinabi ni giovanni sa kanya kanina.

“Ano tawag sa multong kakain tao?” nangunot ang noo ni carlo dahil sa tanong niyang iyon. Alam niyang marami pa‘ng bagay na hindi gaanong alam ang dalaga kaya‘t malamang ay kuryos ito sa ano ma‘ng naririnig o napapanood nito.

“It‘s a zombie, or either aswang. Pero hindi naman totoo ang mga ganoong tao. Kwento lang iyon na minsan pinalalabas sa tv..”

“Paano kung totoo sila?” natawa si carlo bago kagatin ang labi.

“Hindi, malabong mangyari iyang iniisip mo. May napanood ka ba‘ng mga ganyan kaya‘t natanong mo?”

“Wala..” ngumuso siya bago magbabang tingin. Hindi nito nais sabihin ang sinabi ni giovanni dahil natatandaan nitong bawal niyang ipagsabi kung ano man ang pinag-uusapan nila o ginagawa.

Dahil nga wala naman siyang nakuhang ibang sagot kay carlo. Hindi na niya iyon binuksan pa, wala din si giovanni sa mansyon dahil tumungo ito ng site kanina lang.

Naiwan sila doon kasama si yaya glor na naglilinis ng kusina. Buong araw silang naroon at nag-aaral, nahahalata rin ni carlo na mabilis matuto si bella sa pagbabasa at kailangan pa nito ng matinding pag-aaral.

Sa ngayon, nais turuan ni carlo ang dalaga kung paano ayusin ang kanyang pananalita.

“Ano oras uuwi kaloy?” nasa kusina na ngayon sila dahil pasado alas singko na rin. Wala pa rin si giovanni dahil marami siyang inaasikaso, idagdag mo pa na may nangyari ngayon sa kanilang opisina.

“Hihintayin ko lang si sir rodolfo, uuwi ako pag may kasama ka na..”

“May kasama naman bella di ba?”

“Yes, pero busy si yaya glor. Baka hindi niya mapansin na lumabas ka..”

Ngumuso ang dalaga dahil sa sinabi niyang iyon. “Hindi naman lalabas bella eh, bawal iyon. Magagalit gio..” tumango-tango si carlo habang nakatingin sa dalaga. Magkatabi silang nakaupo habang pinagsasaluhan ang miryendang inihanda ni yaya glor kanina lang.

“Natatakot ka ba kay giovanni?” mabilis na umiling ang dalaga dahil sa tanong niyang iyon.

“Hindi, bakit bella tatakot kay gio? Mabait naman gio eh..” tumango si carlo sa sagot niyang iyon. Totoo namang hindi na natatakot ngayon si bella kay giovanni. Kung noon ay nasisindak siya nito dahil madalas siyang sumigaw. Ngunit iba na ngayon ang nararamdaman ng dalaga at wala na itong takot kay giovanni.

Ang nararamdaman lamang niya pag kasama nito ang binata ay para ba‘ng ligtas siya. Para ba‘ng walang makapananakit sa kanya kung kasama nito si giovanni.

“Hindi ba‘t masungit iyong lalakeng ‘yon. Baka ayaw mo lang sabihin sakin na takot ka sa kanya dahil pinagsabihan ka nito.”

Nangunot ang noo ng dalaga. “Wala naman sasabi gio ganon, mabait gio. Hindi na sisigaw gio at galit..”

Power Of Seduction (Adonis Series 5)Where stories live. Discover now