Want her Back

441 15 3
                                    

Chapter 9

Third Person Pov.

Hindi magawang ngumiti ni giovanni sa mga taong nakatingin ngayon sa kanya. Hindi rin naman niya mapagsabihan agad itong babaeng nasa katawan niya na ayaw pa rin bumaba mula sa pagkakayakap nito sa binata.

Nais sana niya itong puwersahin ibaba ngunit nag-aalinlangan siya sa mga taong nakakakita sa kanya. Nginitian na lamang nito ang dalaga bago kausapin ng mahinahon.

"Bumaba ka na..." tumango ang dalaga bago nga bumaba sa pagkakasampa sa katawan ng binata. Ngunit hindi ito tuluyang dumistansya kundi nalalapit lang siya sa pwesto ng binata.

"Gio..." tinusok-tusok ng dalaga ang braso ni giovanni habang tinatawag ang pangalan ng binata. Natutuwa siya dahil muli nitong nasilayan si giovanni sa loob ng dalawang linggo. "Gio?" napabuntong hininga si giovanni dahil sa muling pagsasalita nito. Nais sanang itanong ng dalaga kung isasama na ba siya nila pauwi sa mansyon. Ngunit bago makasagot si giovanni, sumulpot na si carlo na tutor ng dalaga. Kadarating lamang ng binata at saktong pagpasok nito ay nakita niya agad ang mga panauhin.

Kinawayan siya ng dalaga habang nasa tabi ni giovanni, ngunit hinawakan na ni giovanni ang kamay nito upang dalhin sa likuran niya na para bang hindi nito nais ipakita ang dalaga sa tutor nito.

Nagtataka ang dalaga ngunit wala naman na din siyang maitanong, pinindot ng dalaga ang makinis nitong pisngi dahil nga gustong gusto niyang nakikita si giovanni.

"Will you stop doing that?" pabulong lamang na sinabi iyon ni giovanni dahilan upang mangunot ang noo ng dalaga.

"Gio?" tumungo sa harapan nito ang dalaga na nagtatanong, sa sobrang lapit niya hindi nito maiwasang mapamura.

"Sh*t. Just give some space."

"Sh*t?" namilog ang mata ni giovanni ng sabihin iyon ng dalaga. Sakto din ang paglapit ni carlo na narinig ang sinabi ng babae.

"What the fvck! Don't say that?"

"W-what t-he fvck?" napalingon na ang mga madre sa kanila maging ang ilang tagapamahala ng house of child. Dahil sa nangyaring iyon, hinawakan ni carlo ang kamay ng dalaga upang ilayo kay giovanni.

"Stop curssing, mr martinez. Hindi ko itinuturo iyan sa studyante ko..."

"Gio!" pumagitna ang dalaga dahil sa sinabing iyon ni carlo. Para bang ipinagtatanggol pa nito si giovanni dahil umiiling ito sa pagitan nila.

"Yes, gusto ko lang siyang suwayin.." pinakalma ni carlo ang dalaga dahilan upang bumalik ito sa dati, nginitian niya ito dahilan upang ngumiti din ang dalaga. Hindi nagustuhan ni giovanni ang nakikita kung kaya't hinila nito ang kamay ng dalaga upang muling mapalapit sa kanya.

"We're going to talk, mr hevarez.."

Umayos ng tayo ang tutor bago titigan na mariin si giovanni, umiling siya senyales na ipinaparating nitong hindi sila maaaring mag-usap.

"Tuturuan ko na ang studyante ko, oras na ng klase niya..."

"I already talk the head officer, libre ang araw niya ngayon at hindi muna siya mag-aaral..."

Bumaling ang dalaga kay giovanni dahil sa sinabi niyang iyon. "Gio?" itinuro niya ang kanyang sarili na para bang tinatanong nito sa binata na hindi talaga siya mag-aaral ngayon. Ngunit hindi naman na iyon naintindihan ni giovanni kung kaya't kay carlo ito tumingin.

"Ka..." hindi pa maayos na naibibigkas ng dalaga ang pangalan ng tutor niya. Nahihirapan pa rin ito ngunit tiyak na kaonting araw na lang upang maging dire-diretso na ang pananalita niya.

Power Of Seduction (Adonis Series 5)Where stories live. Discover now