SUNOG

397 14 1
                                    

Chapter 5

Giovanni Pov.

Pagkabalik ko sa sala, naabutan ko na doon ang babaeng weirdo na kasama na si yaya glor. Kumakain ito ng hinog na bayabas kung saan nakuha lamang niya sa likurang bahay. May damit na itong suot habang sarap na sarap sa kinakain, hindi man lang ako binalingan ng tingin kahit na huminto ako sa tabi nila.

”Oh, anong nangyari sayo? Bakit may galos ang siko mo?” i sighed one more time when yaya glor asked me, dinuro ko ngayon ang babaeng nasa sofa upang sabihin na siya ang may kasalanan nito.

”I saw her on the top of guava tree, nahulog siya doon pero nasalo ko naman na, that's the reason why i have this.” sinulyapan na ngayon ako ng babae, ibinaba na nito ang hawak niyang bunga bago yumuko. Para bang naintindihan nito kung ano ang sinabi ko.

”Bakit mo naman ginawa iyon, hija? Paano na lamang pala kung hindi ka nakita ni giovanni doon?” lalo itong yumuko, tila ba alam na alam niyang napapagalitan siya.


”Pasalamat siya at dumating ako, kundi. Nasaktan talaga siya ng husto, sino ba kasing babae ang aakyat sa punong iyon ng ganoong kataas? If you just saw her yaya glor, nasa tuktok siya ng puno!”

Napasapo sa noo si yaya. ”Sa susunod huwag mo ng gagawin iyon, huwag ka ng aakyat sa mga punong nasa likuran.” magkasunod na tango ang sinagot ng babae, ngayon ko talaga napag-alaman na medyo nakapag-iisip naman siya, naiintindihan pa rin nito kami ngunit kakaiba ang isip at kilos niya. Para bang hindi siya naturuan ng magandang akto noong bata siya kaya't nagkakaganito ito.


”Tsk, i told you yaya. Sasakit lang ang ulo natin sa babaeng iyan! Bakit hindi mo na lang kasi kumbinsihin si lolo na dalhin ang babaeng ito sa foundation!”



”Giovanni...”


Napailing ako bago tumalikod. "Bahala kayo, huwag niyo akong kausapin o sisihin sa oras na gumawa iyan ng hindi maganda dito sa bahay!”

Tumungo ako sa kusina habang may mabilis na paghinga, hindi ko alam kung bakit masyado akong nagiging masama sa babaeng iyon. Ayoko lang talaga siyang manatili dito, pakiramdam ko nilalason niya ang sistema ko. Para bang may sumpa ang mga mata niya sa tuwing nakatingin ako sa kanya.

Napapikit ako bago mariing umiling ng ilang beses. Inabala ko ang sarili sa pagkain bago umakyat patungo sa aking silid, pagkasara ng pinto. I immediately remove my clothes and unbuckle the brown belt. Inilapag ko sa ibabaw ng kama ang aking hinubad na damit bago dumiretso ng banyo. I didn't wear anything while im on the shower room,  malaki ang aking banyo at may sarili itong shower room kung saan lahat ng haligi nito ay salamin, seperado ang bath tub na nasa labas ng shower room at toilet bowl maging ng ilang kagamitan sa paglilinis ng katawan.

I almost spend half hour for taking a bath this aftenoon, kung paano ako pumasok ng shower room ay ganon din ako lumabas ng banyo. Nagtaka pa ako dahil nakita kong nasa lapag na ang mga nahubad kong damit kanina, inalala ko pa ang nangyari kanina bago ako pumasok ng banyo at doon ko naisip na sa kama ko inilapag ang mga damit nito.

”But why they are here in the floor?”

Hinawakan ko ang aking batok bago tumungo palapit sa aking closet, wala pa rin akong damit dahil ganito ako tuwing naliligo, hubot hubad na nilalakad ang kwarto upang maghanap ng maisusuot.


But after i close the door of my cabinet, i saw the weird woman sitting on the side of my bed. Nakayuko siya roon na para bang may kinukuha sa ilalim ng kama ko, napapikit ako. Paano na naman nakapasok ang babaeng ito sa kwarto ko?


Power Of Seduction (Adonis Series 5)Where stories live. Discover now