Her Father

771 14 11
                                    

Chapter 47

Third Person Pov.

“Ano ang desisyon mo, sir martinez. Tumatakbo ang oras at natitiyak ko‘ng naiinip na ang mga kalaban. Baka tuluyan ng malagay sa panganib ang lolo mo,"

Isang linggo na ang lumipas simula ng magbigay ng warning ang mga alagad ni padre romolo. Isang linggo na rin nang sabihin ni giovanni kay belinda na babalik ito ng manila dahil may aasikasuhin lamang itong importante.

Ngunit nasa isla pa rin ang binata. Nasabi nito sa private investigator niya na nais muna nitong makasama si belinda ng ilang araw kung kaya’t hindi pa ito lumuluwas. Humingi na rin ng tulong si giovanni kay stanlee upang masiguro nila na walang bakas na kahit ano sa pagbabalik ng binata sa manila.

“I still have few days to think," ani giovanni sa private investigator niyang kausap nito sa telepono. Alas siete pa lang ng umaga ngunit heto at problema na naman ang binungad sa kanya ng kanyang investigator. Imbes na sulitin niya ang ilang araw na kasama ang dalaga ay biglang nagbabago ang mood nito dahil sa problema.

“Yeah i know, pero mas magiging mabagal ang usad ng plano natin kung sa susunod na linggo ka pa babalik." napabuntong hininga si giovanni dahil sa narinig. Hindi na nito malaman kung ano ang unang gagawin dahil sa dami ng iniisip niya.

“Sa oras na matapos natin ang problemang ito, lahat tayo ay makakahinga na ng maayos. Makakasama mo na rin ng matagal si belinda ng walang iniisip na panganib," sa sinabing muli ng investigator niya ay tila ba nakapag-isip siya ng maayos. May punto ang kausap niyang ginoo sa kabilang linya.

Kung babalik na siya ng manila ay mauumpisahan na nila ang kanilang plano. Magiging maayos na agad ang lahat at muling babalik sa normal ang pamumuhay nila tulad noon.

“I‘ll call you later,"

Iyon lamang ang sinabi ni giovanni sa kausap bago niya tuluyang ibaba ang telepono. Hinagod niya ang kanyang buhok bago ito muling bumuntong hininga.

Nakapag-desisyon na siya sa ngayon. Upang mapadali na ang lahat, luluwas na siya patungong manila upang makipag-cooperate sa mga pulisya at ilang tao na makakatulong sa kanila.

Balak niyang ipadakip si pader romolo sa oras na makakuha siya ng sapat na ebidensya. Plano din niyang hanapin ang mga magulang ni belinda kung sakaling totoong buhay pa nga sila.

Sa pagbaba niya sa sala ay doon nito naabutan si yaya susan. Paakyat saan ito ng hagdan ngunit nahinto rin ang ginang ng makita si giovanni.

“Gising na ba si belinda?" umiling ang ginang sa tanong ng binata.

“Natutulog pa siya kanina ng tingnan ko ito, aakyatin ko pa lang sana siyang  muli para pakainin na." tumango ang binata bago mag-iwas ng tingin.

“May problema lang kasi sa mansyon, i need to go home." nangunot ang noo ng ginang dahil sa sinabing iyon ni giovanni.

“Ngayon na sir ang alis ninyo?"

Tumango si giovanni. “Yes. This is urgent, gusto ko sanang kayo na ang bahalang magpaliwanag kay belinda. Hindi na ako magpapa-alam pa sa kanya, baka mahirapan lang akong umalis."

Napabuntong hininga ang ginang bago ito tumango sa paki-usap ng binata. Naiintindihan niya si giovanni kaya ngayon pa lang ay nag-iisip na siya ng magandang idadahilan sa dalaga.

“May tatawagan lang ako sa saglit, just check belinda again. Lalabas na ako,"

NANG oras na iyon ay agad ng tinawagan ni giovanni ang private investigator nito. Nagbigay na ito ng anunsyo sa kanyang pag-uwi kaya naman pinaghahanda na niya ang kanyang mga tauhan. Matapos iyon ay tumawag na rin siya kay stanlee upang masiguro niyang walang makaka-alam sa pagbabalik nito ng manila.

Power Of Seduction (Adonis Series 5)Where stories live. Discover now