Spending time

445 8 3
                                    

Chapter 44

Third Person Pov.

Ilang minuto rin kausap ni giovanni ang kanyang private investigator habang nasa silid si belinda. Pina-alala ni giovanni na agad itong tumawag sa kanya kung sakaling may problema mang maganap sa mansyon.

Hindi mawala sa isip ng binata ang sinabi ng investigator nito kanina. Naisip naman niya ang bagay na iyon ngunit hindi naman nito kayang pabayaan si belinda.

Ang dalaga na ngayon ang buhay niya, si belinda na ang nagbibigay ng lakas kay giovanni at nagpapasaya sa kanya araw-araw. Pinapahalagaan naman ni giovanni ang kanyang pamilya, inaalala rin nito ang lolo niya maging ang mga naiwan nitong tao sa mansyon.

“Bumaba na po ba si belinda?" umiling si manang susan sa tanong ni giovanni. Hindi pa nito napansing bumaba si belinda buhat kanina.

Nagtataka rin si giovanni dahil ilang minuto na siyang nasa ibaba dahil sa tagal niyang kausap ang investigator nito.

“Pupuntahan ko lang siya sa itaas," tumango ang ginang sa sinabi ni giovanni, naka-handa na ang kanilang almusal at sila na lamang ang hinihintay.

“Bella?" sinubukang gisingin ni giovanni ang dalaga habang ito ay nakapikit pa. Binabalutan siya ng kumot habang suot ang malaking t-shirt ni giovanni.

“Are you still sleeping?" hindi nagbigay tugon si belinda dahil masama ang kanyang pakiramdam. Naririnig naman nito ang binata ngunit wala siyang lakas upang sumagot.

Naupo si giovanni sa tabi nito upang bahagyang ibaba ang kumot. Hinawi nito ang buhok na nakatabon sa mukha ni belinda dahilan upang maramdaman niya ang init sa pisngi nito.

Dahil doon ay madali niyang sinuri ang noo ng dalaga na ngayo’y inaapoy na sa init.

“Fvck," napatayo siya dahil hindi nito alam ang gagawin. Nagpa-ikot ikot pa siya sa gilid ng kama bago niya makita ang pagkilos ng dalaga.

“Hmm," mahinang daing ang narinig ni giovanni bago siya maupong muli sa gilid ng dalaga.

“Are you feeling sore, belinda?" naalala ni giovanni na may nangyari pala sa kanila kagabi. Natitiyak niyang masama ang pakiramdam nito na hindi niya agad naisip kaninang magising siya dahil sa pagtawag ng investigator nito.

“G-gio," iyon lang ang binanggit ni belinda na may mababang tinig. Samantalang si giovanni ay hindi na malaman ang gagawin dahil ito yata ang unang beses na magkasakit si belinda.

“I will call yaya susan, okay? Hintayin mo ako dito," tumayo na si giovanni at mabilis ng lumabas upang puntahan si aling susan. Saktong palabas ng kusina ang ginang ng makita niya si giovanni na nagmamadaling tumakbo.

”Oh, anong nangyari?"

“Nilalagnat si belinda, mainit siya. Sobrang init,"

“Baka nakatodo ang aircon sa kwarto niya, sir."

“No, hindi. We didn‘t turn on the aircon last night," napahilamos si giovanni sa mukha. “We need a doctor to look for her,"

“Sige sige, pero painumin muna natin siya ng gamot habang naghihintay ng doctor."

Tumango si giovanni bago kumilos si manang susan upang ipaghanda ng pagkain si belinda. Kumuha na rin ito ng gamot at mabilis ng umakyat sa silid kung nasaan ang dalaga.

“Belinda," sinubukan siyang gisingin muli ni giovanni bago ilapag ng ginang ang pagkain sa gilid ng mesa. “Kumain ka muna, then drink this medicine." bahagyang nagmulat ang dalaga upang makita si giovanni. Dahan-dahan rin siya nitong tinulungan sumandal sa headboard ng kama upang hindi siya mahirapang kumilos.

Power Of Seduction (Adonis Series 5)Where stories live. Discover now