Goodbye

380 9 2
                                    

Chapter 6

Giovanni Pov.

Si yaya glor ang siyang kumuha sa hawak kong babae ng makita niya itong natulala sa bakas ng sunog. Tinanong niya ito kung ayos lang ba siya ngunit inaasahan ko ng wala din siyang isasagot. Hindi ko alam kung bakit bigla akong naawa sa kanya ng mga oras na iyon, lalo na ng sumigaw siya na halos binabalot ng takot dahil sa sunog na iyon.



Nasa sala na ito, pinainom siya ng tubig ni yaya glor na agad niyang kinuha. Inaasikaso na ng mga maid ang kusina upang alisin na ang ilang kasangkapan na nadamay sa sunog.



”Ano ba kasing nangyari?” napabuntong hininga ako. Hindi ko alam kung bakit nagtatanong pa si yaya glor gayung hindi naman siya sasagutin ng babaeng iyan.


Well, It's her fault. Kung hindi lang siya clumsy, malamang hindi mangyayari iyon. What if I didn't saw her that time, siguro malaki na ang sunog dito sa bahay at tiyak na napahamak siya.

Napailing ako, ito na nga rin ang sinasabi ko na hindi magandang manatili ang babaeng ito sa bahay. Gagawa at gagawa siya ng eksena, kailangan ko na talagang gumawa ng paraan upang umalis na siya dito.



”That's her fault, yaya glor. Muntik ng masunog ang buong bahay sa kanya. Alam mo namang pinahahalagahan ni lolo ito, pero muntikan na niyang sinira....” nilingon ako ni yaya glor, subalit ang babae ay nananatiling nakayuko habang nilalaro ang daliri niya.



“Paano ba kasi lumaki ang sunog sa kalan? Pinakelaman niya ba ang iniluluto ko?”


I nodded to times. "Yes, ofcourse. Hindi naman aapoy iyon ng ganong kalaki kung hindi niya pinakelaman. Wala talagang magagawang mabuti ang babaeng iyan, kailangan kong sabihin ito kay lolo para paalisin na niya ang babaeng 'yan dito!”


Tumalikod na ako at hindi na tiningnan kung anong reaksyon ng babae. Siya rin naman pala ang gagawa ng paraan para umalis dito, kasalanan naman niya talaga. I don't need to feel pitty on her, she deserve to send her away for our peace. Para sa kapayapaan ko.

Tinawagan ko si lolo ng oras na 'yon, sinabi ko ang nangyari sa kusina at muntikang pagkasunog sa bahay. Natural na magulat siya, tinanong rin nito ang babae kung hindi siya nasaktan. I answer him no, maayos siya at hindi nasaktan. Sinabi ko rin sa kanya na kailangang paalisin na namin ang babaeng iyon dahil perwisyo lamang siya sa bahay.

Bumuntong hininga siya at sinabing mamay na lamang kami mag-usap at maghahanap ito ng magandang foundation shelter para sa babae.

Nang marinig iyon, parang nagdiwang ang sistema ko. Sa wakas! Im not going to stressed everyday, mapapaalis ko na rin ang babaeng iyon at muling babalik ang buhay ko sa normal.


I went back on living area to tell yaya glor about the good news. Ngunit ng marating ko ang sala ay wala na ang babaeng weirdo doon kundi si yaya glor na lamang.


”Where did that woman go?” nilingon ako ni yaya glor.


”Pinaakyat ko muna ito sa kwarto niya, mukhang natakot ito sa nangyari. Hindi mo ba napansin na medyo balisa siya?” bumuntong hininga ako, iyon nga ang napansin ko sa kanya noong una. Pero hindi ko na kailangan pang pansinin kung ano bang nararamdaman niya. Ang importante mapapaalis ko na ang babaeng iyon dito.



”Maybe she just got scared about the fire, pero dapat ng umalis siya dito dahil baka buong bahay na ang sunugin niya sa susunod...” hindi nagkaroon ng imik si yaya glor sa sinabi ko. Alam kong hindi siya sang-ayon na umalis ang babae dito dahil na rin sa kundisyon niya, ngunit alam kong hindi naman dapat kami ang mag-aalaga sa babaeng iyon. Kailangan na niya ng professional na counselling psychology. She needs some people who can teach her proper moves and learn how to speak. Kung makapagsasalita pa ba siya.


Power Of Seduction (Adonis Series 5)Where stories live. Discover now