Approval

418 15 1
                                    

Chapter 26

Third Person Pov.

Hindi sang-ayon si giovanni sa pag-aaral ni belinda sa fatima ngunit alam niyang wala siyang magagawa. Wala itong karapatang higpitan si belinda lalo na't kagustuhan ng dalaga na makapag-aral.

Pumayag na rin ang senyor na si mr rodolfo sa pag-aaral nito kaya agarang naasikaso ni carlo ang mga papel niya.

Sa susunod na buwan, mag-aaral na si belinda dahil maayos na rin naman ang kanyang pananalita. Marunong na rin itong magbasa at kahit ano pa'ng ituro mo. Kailangan lamang niyang magkaroon ng iba pa'ng kaalaman at karanasan sa kapwa niya studyante.

"You really want to study on fatima?" giovanni repeated his question many times, nasa likuran sila kung saan nakababad ang kanilang paa sa swimming pool. Kasalukuyan kasing naliligo si giovanni kanina ng dumating si belinda mula sa mall kasama ni carlo.

Namili sila ng mga gamit nito at kakailangan para sa kanyang pag-aaral.

"Ayaw mo ba akong mag-aral 'don?" Napaismid si giovanni sa tanong niyang iyon. Alam naman niyang hindi siya nito nais lumabas, ang gusto ni giovanni ay pumaroon lang siya sa mansyon at doon manatili.

Alam niyang makasarili siya sa parteng iyon ngunit hindi niya maiwasang paghigpitan ang dalaga dahil nga nagugustuhan niya ito.

"You know what i wants, bella. Pero dahil gusto mo iyon, may magagawa ba ako kahit pagbawalan kita?"

Napanguso ang dalaga sa sinabi niyang iyon.

"Gusto ko lang naman kasing maranasan mag-aral sa school eh. Nagsasawa na ako dito." Nilingon siya ni giovanni na may kunot noo.

"Nagsasawa ka na ba kay carlo? I can find a replacement to feel you better again."

"Hindi naman ako nagsasawa kay kaloy. Gusto ko lang talaga 'yung may kasabay akong nag-aaral, tulad doon sa foundation ni lolo rod."

Hindi nagbigay imik sa giovanni sa sinabi niyang iyon. Nais niyang payagan si Belinda ngunit nagdadalawang isip siya. Ayaw niyang may makilala itong iba dahil ang nais niya ay sa kanya lamang ang atensyon ng dalaga.

"Bahala ka na." Iyon na lamang ang sinagot ni Giovanni matapos nitong tumayo. Naiwang tulala si Belinda habang tinatanaw niya ang papaalis na binata.

Mas lalong humaba ang nguso niya dahil sa ginawang pag-alis ni giovanni.

Nasasabik man si belinda sa pag-aaral ngunit hindi naman niya mapigilang isipin si Giovanni dahil nga hindi ito sang-ayon sa gusto niya.

Hindi rin naman niya matiis ito dahilan upang tumayo na rin siya at sundan ito kung saan siya pumunta.

"Gio." Nakita niya ang binata sa kusina na umiinom ng tubig. Kahit narinig siya ni Giovanni ay hindi niya ito pinansin dahil nais niyang iparamdam kay Belinda ang pagtatampo niyang iyon. "Huwag ka ng magalit sakin, gio. Susundin ko naman lahat ng sinabi mo noon eh." Umismid lang si Giovanni bago magsalin muli ng tubig sa baso niya.

Sa kadilanang walang natanggap na sagot si belinda, nagtungo ito sa harapan ni giovanni habang umiinom siya ng tubig.

"Hindi naman ako maghahanap ng ibang boyfriend eh, hindi ba sabi mo ikaw lang ang boyfriend ko. Hindi rin ako magpapahalik sa iba, sayo lang." muntik ng masamid si giovanni dahil sa sinabi niyang iyon, inilapag nito ang baso at agarang inilibot ang tingin sa paligid kung may tao ba'ng nakarinig sa sinabi ng dalaga.

"Huwag mo'ng sasabihin iyan dito" nanguso ang dalaga bago tumango.

"Ikaw kasi eh, hindi mo ako pinapansin, nasasaktan ako." napamaang si giovanni dahil sa sinabing iyon ni belinda.

Power Of Seduction (Adonis Series 5)Where stories live. Discover now