Leave Or Stay?

439 12 1
                                    

Chapter 4

Giovanni Pov.


Alam kong may utang na loob ako sa babaeng weirdo noong isang araw, iniligtas niya ako sa aksidenteng mangyayari sa akin at hinayaan niya ang sariling masaktan mawala lang sa akin ang tama ng malaking balde ng pintura, but isn't enough reason to let that woman stay here in our house. Porket tinulungan niya ako magbabago ang isip ko, hindi ganon 'yon. Im still planning to bring her back on the place where i met her. At hindi siya pwedeng manatili dito sa bahay.



Dalawang araw matapos mangyari ang insidenteng iyon, pinasuri ko rin naman na siyang uli at wala naman ng nakitang damage sa ulo niya. Pasalamat pa siya dahil dinala ko pa ito sa ospital, baka ako pa ang sisihin ni lolo once na may nangyaring masama sa kanya.


"Are you ready?" nakatingin lang siya sakin matapos nitong kumain, as usuall. Walang pinagbago sa kilos niya, mas lalo pa itong nagiging weird sa paningin ko and she really didn't know how to use spoon, noong isang araw. Nasira yung malaking rice cooker dahil sinaksak niya iyon ng walag laman, then nakabasag siya ng vase at ilang baso. Muntik na niyang mabasag yung flat screen tv sa sala dahi nadulas siya at tumilapon ang tsinelas na suot nito.

At ang worst pa, nagtimpla ng kape si yaya glor para sa akin. Ngunit nilagyan ng babaeng iyon ng maraming kape ang inumin ko, hindi ko alam kung anong pumapasok sa isip niya, araw araw na lang sumasakit ang ulo ko dahil sa kanya.


"Bakit hindi mo muna ipaalam sa lolo mo ang gagawin mong ito, giovanni. Sigurado lang na hahanapin ni sir rodolfo ang babaeng iyan sakin mamaya."

I sighed before press the bridge of my nose. "Just explain to lolo what my reason is, I don't want her to stay here any longer. She's bothering you too much."


"Kung ako ang iniisip mo, wala namang problema sakin iyon. Kung ako rin ang masusunod, hahayaan ko na lang ang batang iyan dito..."

I looked away and my eyes landed on the woman who was listening to us. She looks so innocent, her eyes have a strange power that can make me stop for a few seconds. and the moment she touched me, it was like electrifying me.

That's why I don't like her.

I think this girl has a curse.



"Pasensya na yaya glor, buo na ang desisyon ko. Hayaan niyo na lang ako sa gagawin kong 'to." hindi na sumagot pa si yaya sa sinabi ko, dahil nakahanda naman na ang mga damit ng babaeng ito na nabili pa ni lolo kung saan, sinenyasan ko na siyang sumunod sakin. Lumingon pa muna siya kay yaya glor na para bang humihingi ng tulong, tumango lang si yaya at napipilitang ngumiti.

"Mag-iingat ka, hija. Tandaan mo lahat ng sinabi ko.."


Yumuko ang babae dahil sa sinabi ni yaya, tila ba dismayado siya dahil iyon ang narinig niya. Muli ay napabuntong hininga ako, hindi naman na ako dapat makaramdam ng awa. Tama lang naman itong ginagawa ko at isa lang naman siyang babae, hindi ko naman siya kaano-ano kaya dapat lang na hindi ako makaramdam ng awa.


"Let's go, woman. The time is running out, I don't want to catch the heat on the road, hurry up, follow me!" Tumalikod na ako at hindi ko na hinintay pang maglakad, dumiretso na ako palabas upang sana ay tumungo na ng kotse ngunit natigilan ako ng makita si lolo na kakarating lang.


"Giovanni, your stil here?" nag-iwas ako ng tingin dahil sa paghinto niya sa aking harapan, napamura pa ako sa isip dahil tiyak na hindi kami makakaalis ngayon dahil nandito siya. "Where did you bring her?" muli kong tiningnan si lolo at doon nakita kong nagtataka siyang nakatingin sa likuran ko.

Power Of Seduction (Adonis Series 5)Where stories live. Discover now