First conversation

404 20 1
                                    

Chapter 11

Giovanni Pov.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil nakapagsasalita na ngayon si bella, ngunit iniisip ko rin kung saan ako natutuwa. Sa presensya niya ba ngayon sa mansyon o dahil natulungan namin ang isang tulad niya.

Isang buwan na ang lumipas simula ng bumalik siya, nakapagsasalita na ito ngunit hindi ganoon kaayos. Nahihirapan pa ito sa pagsasalita maging sa pagsusulat.

Her tutor is carlo hevarez again, mas gusto daw niya kasi si carlo dahil mabait daw siya. Iyon ang ipinaliwanag nito ng araw na sinabi kong papalitan ko ng babae ang tutor niya. But she just glared at me na para bang ang sama ko kung gagawin ko iyon, then in the end. Si bella pa rin ang nasunod, i name her belinda to fixed her name. Inaayos na kasi ni lolo ang papel niya ngayon, medyo natagalan dahil mayroong event sa fatima.

And i don't want to call her in long name, i prepare to call her bella because i find it's cute. Well, bella is not just cute. She's beautiful innocent that you might think she's a child of rich family. Napansin ko na iyon noon kahit na medyo madungis siya, kakaiba ang awra niya and she's just not like an ordinary homeless. Ang iba kasi talaga ay mabaho at madumi, pero siya. Wala na akong masabi kundi kakaiba talaga.

“Kal-loy hindi darating ngayon?” nasa hapag na kami kung saan nag-aalmusal na, medyo badtrip ako dahil kagigising lamang niya ay ang lalakeng iyon na ang hinahanap niya.

“Why are you looking for him?” medyo iritable ako, inilapag ni yaya glor ang mainit na kanin sa mesa bago ako titigan ng makahulugan. I sighed before looked away. “Sabado ngayon, bella. Wala kang klase...”

“Pwede manood?”

“No.” ngumuso siya dahil sa sinabi ko, noong nakaraan kasi ay ginamit nito ang cellphone ko upang manood ng paborito niyang disney movie. Pero nailipat niya iyon sa horror movie dahilan upang matakot siya, hinagis nito ang cellphone ko na naging sanhi upang mabasag ang LCD niya. Then the flatsceeen tv on the living room, binasag niya din dahil ang sama daw ng lalakeng naroon.

“Bakit hindi? Wala naman klase, damot!”

“I told you to don't speak on that way, bella. Hindi ba maganda naman ang itinuturo sayo ni carlo?”

“Gio kasi ayaw akong manood, bella galit kay gio!”

Napapikit ako, mas gugustuhin ko na talagang hindi siya nagsasalita. Dahil simula ng magsalita siya, kung ano-ano na ang nalalaman niya. She's very easy to teach, hindi ka mahihirapan dahil fast learner siya.

“Find, let's watch movie later. Huwag mong babatuhin ang tv.” ngumiti siya ngunit naisip ko rin na pwede naman siyang manood doon sa laptop ko. Wala sa sariling napatango ako. “Isulat mo muna ang pangalan mo bago ako pumayag.”

“Bella susulat mamaya.”

”Kumain ka na.” tumango siya, sinubukan niyang gumamit ng kubyertos na siyang itinuro sa kanya ni yaya glor at carlo. Pero hindi talaga siya sanay kung kaya't inilapag na lang niya iyon sa gilid at muling nagkamay na madalas niyang ginagawa.

Napailing ako bago mag-umpisang kumain. Hindi ko pa man naisusubo ang nasa kubyertos ko ng muli itong magsalita.

“Lolo rod nasaan?” medyo hindi ko naintindihan ang sinabi niya dahil puno ang kanyang bibig. Dumating din naman si yaya glor upang ihapag ang gatas nito at ang mainit na kape para sa akin.

“Huwag kang magsasalita ng puno ang bibig mo, hija. Bawal iyon.” tikom na ngumuya si bella dahil sa sinabing iyon ni yaya glor. Hindi rin naman na siya nagsalitang muli dahil alam niya ang salitang bawal. Dahil doon ay nangiti na lang ako bigla, hindi ko namalayang nakatingin pala sa akin si yaya kaya't tumikhim ako.

Power Of Seduction (Adonis Series 5)Where stories live. Discover now