True love

504 9 2
                                    

Chapter 39

 Belinda Pov.

Tinulungan ako ni gio sa assignment ko matapos niyang sabihin na hindi ko dapat pinapanood iyon. Sinabi ko naman sa kanya na hindi ko iyon napanood, agad kasi siyang dumating kaya naman hindi ko tuluyang nakita ang ginagawa nila.

Ako ang gumawa sa assignment ko doon sa math. Si gio naman ay tinapos iyong essay ko dahil nahihirapan akong gawin iyon dahil nag-iisip pa ako kung anong isusulat tungkol sa topic. Sinabi naman sakin ni gio na kailangan pag-aralan ko iyon kaya naman tinuruan niya ako kung paano iyon gawin.

“Magpahinga ka na muna, huwag mo ng titingnan pa ang mga videos na iyon belinda." tumango ako sa sinabi ni gio. Para ba‘ng bawal talagang panoorin iyon dahil nagagalit siya, pero bakit bawal?

“Uuwi si lolo mamaya, kakain daw tayo sa labas." nangunot ang noo ko sa sinabi niya.

“Bakit sa labas pa? Gabi na kaya, gio. Madilim sa labas, kayo na lang kumain doon sa loob ako kakain."

Natawa siya sa sinabi ko. May nakakatawa ba? Sila nga ang nakakatawa dahil bakit sa labas pa sila kakain? Ang dami kayang lamok doon.

“Ang ibig ko‘ng sabihin, pupunta tayo ng restaurant. Doon tayo kakain,"

“Ah," tumango-tango ako. “Masarap nga ‘yung pagkain sa restaurant. Gusto ko ulit kainin ‘yung inorder sakin dati ni lolo rod,"

“Then you can order it later, magpahinga ka muna. Tatawagin na lang kita,"

“Sa cellphone ba?" nangunot ang noo niya bago ito umiling.

“Aakyatin na lang kita, just stop asking. Ang sakit na ng ulo ko,"

“Bakit masakit ang ulo mo?"

“Oh, god."

Napahilamos siya sa mukha bago ito bumuntong hininga. Tumingin pa siya sakin bago umiling ng dalawang beses.

“Lalabas na ako, matulog ka muna para may lakas ka mamaya." tumango na lamang ako sa sinabi niya kahit hindi ako inaantok. Ayoko rin naman kasing matulog dahil baka hindi na ako makatulog mamaya pagka-uwi namin.

Siguro hahayaan ko na lang munang umalis si gio bago ko hawakan muli ang cellphone ko.

Baka kasi kunin niya iyon at dalhin sa kwarto niya.

Matapos lumabas ni gio sa kwarto ko. Ni-lock ko iyon at agarang nagtungo doon sa lamesa kung saan nakapatong ang cellphone ko. Hindi ko naman panonoorin iyon mga video na nakita ko kanina. Baka kasi malaman ni gio ay mapagalitan na naman ako. Gusto ko lang mag-cellphone muna dahil ayoko ngang matulog, hindi naman din ako inaantok at pagod.

“Sino kaya ‘yung tumawag kay gio kanina?" bigla ko‘ng naalala iyong number na nakita ko‘ng tumatawag kanina. Hindi ko pa man kasi nasagot iyong tawag niya ay bigla na itong nawala. Wala din siyang pangalan sa cellphone ni gio kaya‘t hindi ko nasabi sa kanya kanina.

Kahit may cellphone man ako. Hindi ko alam kung anong gagawi ko, naboboring ako sa loob ng kwarto dahil nais ko‘ng lumabas. Ang kaso lang baka makita ako ni gio at magalit siya.

Napabuntong hininga ako sabay upo sa kama ko. Gusto ko talagang lumabas at pumunta sa likuran, mas gusto ko pang makausap si yaya glor kesa ang maupo na lang dito. Lalabas na lang ako at hindi magpapakita kay gio.

PAGKALABAS ko sa aking silid ay dumiretso na agad ako pababa. Hindi ko nakita si gio sa sala maging sa nadaanan ko patungong likod. Baka nagpapahinga siya sa kwarto niya kaya wala siya sa labas.

Power Of Seduction (Adonis Series 5)Where stories live. Discover now