Visit Her

406 12 4
                                    

Chapter 7

Third Person Pov.

Huling araw ng dalaga sa mansyon ng mga martinez. Alam niyang aalis na ito sa mansyon kung kaya't medyo nalulungkot ang dalaga, hindi sana niya nais umalis dito dahil mas nagugustuhan niyang manatili sa mansyong iyon. Kahit minsa'y masama ang pagtrato sa kanya ni giovanni, nagugustuhan pa rin niyang makasama ito.

Ngunit dahil nga sa nangyaring sunog noong isang araw. Natakot na ang dalaga at hindi niya maiwasang mahiya dahil alam niyang nagkamali ito, ngunit ang pangyayaring iyon ay hindi naman niya sinasadya. Nagulat lamang ito kay giovanni kung kaya't natamaan nito ang mantika na mas lalong nagpalablab sa nakasinding stove.

Ngayong umaga, nakaupo ang dalaga sa likurang bahay. Tulala siya sa malaking swimming pool habang nakapangalumbaba sa mesa. Alas otso na ng umaga ngunit hindi pa ito kumakain, nakakaramdam ito ng gutom ngunit hindi siya makakain sa kadahilang aalis na ito sa mansyon.

Mula sa hindi kalayuan, sumulpot si giovanni dahil nga hinahanap nito ang dalaga. Medyo maayos na ang pakiramdam ni giovanni dahil nga iniiwasan niya ang dalaga. Naapektuhan talaga siya sa ganda nito kung kaya't ninais rin niyang umalis na ang babae. Napabuntong hininga si giovanni habang nakatingin sa dalaga, pansin niyang malungkot ito habang nakatingin na ngayon sa malayo.

Nasabi kasi ni yaya glor na hindi pa nag-aalmusal ang dalaga kaya't itong si giovanni ay agad ng nilapitan ang babae upang agawin sana ang atensyon niya. Ngunit diretso na ang tingin ng dalaga, nakatingin siya ngayon sa dalawang ibon na nasa puno. Hindi nito napansin ang pagdating ni giovanni na biglang naninibago ngayon sa inaasta niya.

“Kumain ka na..” hindi inasikaso ng dalaga ang tinig na narinig niya. Mas lalo kasing naaagaw ang atensyon nito sa dalawang magandang ibon. Dahil doon marahas na napabuntong hininga si giovanni bago mag-iwas ng tingin. Iniisip ng binata na baka nagtatampo ito dahil nga aalis na siya, pero walang plano ang binata na magbago ng isip. Desidido na itong paalisin ang dalaga at hayaan na lamang mapunta doon sa house of child foundation.

Tumayo ang dalaga mula sa pagkaka-upo, iniwan nito si giovanni na ngayo'y kunot na kunot ang noo dahil sa ginawang pag-iwan sa kanya ng dalaga. Ang hindi nito alam, lalapitan lang ng babae ang mga ibon kung saan naroon iyon sa sanga ng bayabas.

Napailing si giovanni habang nakatingin ngayon sa dalaga. Napangiwi pa ito dahil iniisip niyang baka gusto na naman niyang kumain ng bayabas. Pero masyadong maaga pa, hindi ba't sasakit ang tiyan niya pag kumain ito ng bungang iyon? Mariin na napamura si giovanni dahil sa tanong ng isip niya. Pakialam ba niya kung sumakit ang tiyan ng dalaga?

Muli ay lumapit si giovanni sa babae, hinawakan niya ang braso nito dahilan upang magulat at mapalukso ang babae. Dahil nalalapit lang sa pool ang kinatatayuan nito, nahulog ang dalaga roon. Biglang nanlaki ang mata ni giovanni dahil sa nangyari, hindi rin niya inaasahang magugulat nito ang dalaga at biglang mahuhulog sa pool.

“Fvck!” napamura siya ng hindi nito makitang umahon ang dalaga. Malalim ang pool na iyon kung saang parte nahulog ang dalaga. Mabilis na hinubad nito ang tshirt upang lumukso palusong sa pool. Sumisid ito upang hanapin ang dalaga na agad niyang nakita, agaran nitong inabot ang kamay ng dalaga na ngayo'y nasa kailaliman na ng tubig. Nagmamadali siyang umahon upang bigyan ng hangin ang dalaga, ngunit dahil yata sa matagal na pagkakalubog nito ay nakainom na siya ng tubig at nawalan na ng malay.

Inihiga niya ito sa gilid ng pool kung saan agad niyang ginising ang dalaga. Ngunit sa kadahilang hindi nagmulat ang mata nito, no choice siya kung hindi gawin ang CPR. Binigyan niya ito ng hangin mula sa bibig kung saan nagdampi ang labi nila, ilang beses niyang itinaas baba ang kamay nito sa dibdib ng dalaga hangga sa tuluyang maubo ito at lumabas ang tubig na nainom niya.

Power Of Seduction (Adonis Series 5)Where stories live. Discover now