Her Seducing Scent

445 15 1
                                    

Chapter 29

Third Person Pov.

Isang linggo na ang lumipas simula ng mag-aral si belinda sa fatima. Naging maayos naman sa umpisa ang pag-aaral nito at tuluyan na silang nagkasundo ni giovanni sa kundisyon nito.

Kung ano ang siyang nais ni giovanni ay ang siyang sinusunod ng dalaga. Dahil nga ayaw ni belinda na magalit ang binata ay pilit nitong ginagawa lahat ng gusto niya.

Masaya rin naman sa pag-aaral si belinda dahil nagkaroon siya ng ilang kaibigan na nakaka-usap nila.

"Kuya mo ba iyon?" nag-usisa ang bagong kaibigan ni belinda, siya si julia. Nakita niya kasi na hinatid siya ni giovanni kanina kung saan kinausap pa muna siya nito bago tuluyang pumasok sa loob.

Nais kasing siguraduhin ni giovanni na hindi nakabantay ang lalakeng panay sunod sa dalaga.

"Oo, kuya ko. Bakit mo natanong?" umiling si julia habang naglalakad na sila patungo sa kanilang gusali.

"Ang gwapo kasi eh, anong pangalan ng kuya mo."

"Gio, iyon ang tawag ko sa kanya."

"Gio?" tumango si belinda. "Grabe pala, ang ganda naman ng pangalan niya. May girlfriend?" hindi agad nakasagot si belinda dahil ang iniisip niyang girlfriend ay ang sarili niya. Ngunit naisip rin nito na ipinakilala na niya ang sarili nitong kapatid ni giovanni.

"Walang girlfriend si kuya." sa huli ay iyon na lamang ang naisagot ni belinda. Tinatahak na nila ang daan patungo sa kanilang silid habang pinagtitinginan sila ng ilang studyante. Agad atensyon naman kasi talaga si belinda dahil sa ganda niya, maraming natutuwa rito ngunit ang karamihan ay naiinis dahil lahat ng atensyon ay nasa kanya.

"Noong pasukan, nasabi mo'ng nasa bente uno ka na. Pero bakit ngayon ka lang pumasok?" nakapasok na sila sa kanilang silid. Dahil wala pa si lester, naupo na muna si julia sa pwesto nito upang saglit na makipag-kwentuhan.

"Iyon na ang binigay na edad sakin ni lolo rod."

Nangunot ang noo ni julia. "Binigay na edad? Bakit? Hindi ko ba alam ang kaarawan mo?"

"Alam ko."

"Ibig sabihin, hindi ka lamang maaga nag-aral kaya't nasa highschool ka pa rin?" tumango na lamang si belinda dahil hindi rin nito nais sabihin ang buong detalye ng buhay niya. Iyon din naman kasi ang utos ni rodolfo, wala din pinagsasabihan si belinda na siya ang ampo ng DEAN sa kanilang unibersidad, basta ang nalalaman lang ng karamihan ay bagong transfere si belinda.

"Pero mukhang mayaman ka naman, nagtataka ako kung bakit nahuli ka sa pag-aaral."

"Hangga mamaya ba tatanungin mo ako?" natawa si julia dahil sa tanong ni belinda. Hindi naman sa naiinis si belinda, naitanong niya talaga iyon ng wala namang galit at bukod tanging kaseryosohan lamang.

"Nais kasi kitang makilala ng buo, gusto kong maging kaibigan ka. Alam mo naman, walang kumakausap sakin dahil sa itsura ko." nangunot ang noo ni belinda habang tinititigan ang mukha ni julia. Maikli ang buhok nito at may maiksing bangs, marami din siyang pimples sa mukha na hindi nagbibigay linis sa kutis nito. Hindi rin magandang tingnan ang kilay niya dahil napakakapal nito.

"Maganda ka naman eh." nanguso si julia dahil sa sinabing iyon ni belinda.

"Tsk, ikaw talaga. Nagsisinungaling ka, maski magulang ko hindi nagagandahan sakin, tas ikaw sasabihin mo iyan."

"Hindi naman ako nagsisinungaling ah, totoo ang sinabi ko. Maganda ka."

Natawa si julia. "Sige na nga, nariyan na ang seatmate mo. Pupunt na ako doon sa pwesto ko." hindi na kumibo pa si belinda matapos tumayo ni julia. Dumating na kasi si lester na agarang naupo sa tabi nito.

Power Of Seduction (Adonis Series 5)Where stories live. Discover now