Villaler

512 13 3
                                    

Chapter 40

Third Person Pov.

Nag-celebrate nga sila sa restaurant na iyon kung saan may hinanda pa silang cake para sa ginang. Malaki ang pasasalamat ni rodolfo kay manang glor dahil mahabang taon na siyang naninilbihan sa kanila, bata pa lamang yata si giovanni ng dumating doon ang ginang kung kaya't siya na rin ang tumayong yaya ng binata.

“Happy birthday, yaya glor." masayang binata siya ni belinda matapos nilang ipagkanta ang ginang ng happy birthday. Wala man ang kanyang mga anak ay nararamdaman pa rin nito na may pamilya siyang kasama na pinagdiwang ang kanyang kaarawan.

“Salamat, hija."

“Tutulungan na po kitang mag-blow?" natawa si yaya glor sa tanong na iyon ng dalaga.

“Sige lang, hija."

“Pero dapat mag-wish muna kayo bago natin hipan ang kandila," tumango ang ginang bago ito pumikit. Ilang segundo lang iyon dahil agaran na rin siyang nagmulat bago nila sabay na ihipan ang kandila.

Masaya si belinda habang pinapanood na niyang hiwain ni giovanni ang cake. Tapos na silang kumain kaya’t maaari na siyang kumain muli ng cake, may inabot din na regalo si rodolfo ngunit hindi iyon nakabalot kundi nakasobre iyon na kulay puti.

“Para saan po ito, sir?"

“Extra salary mo 'yan para sa pagsisipag mo. Huwag mo ng tanggihan,"

“Hindi pa naman ngayon ang araw ng sweldo,"

“Para sayo talaga 'yan. That's my gift for you,"

“Naku sir, salamat."

“It’s okay, i know you need it. Just keep that, alam ko‘ng darating ang mga anak mo sa lunes."

“Opo sir, maraming salamat."

“Bibigyan kita ng off para makapasyal kayo ng mga anak mo. Kahit ilang araw lang habang nandito sila," tumango ang ginang sa sinabing iyon ni rodolfo. Habang si belinda ay nakanguso dahil wala siyang regalo na ibinigay sa ginang.

Iniisip niya kung bakit hindi sinabi sa kanya ni giovanni ang tungkol doon kaya naman panay ang simangot niya hangga sa makalabas sila ng restaurant.

“May dadaanan pa kami ni belinda, lo. Mauna na kayong umuwi."

Nangunot ang noo ng senyor dahil sa sinabing iyon ni giovanni. “Gabi na, saan pa kayo pupunta?"

“Kailangan ko’ng puntahan si owen, may emergency lang." tumango ang senyor dahil wala din naman siyang nagawa ng mauna na ang kanyang apo. Nauna na rin si belinda kung saan nakaupo na siya sa loob ng kotse ni giovanni.

“Bakit hindi mo na hinintay lumabas sila yaya glor at lolo?" nakanguso si belinda sa tanong ng binata.

“Nahihiya kasi ako kay yaya glor, kayo may regalo sa kanya. Samantalang ako wala."

Natawa si giovanni sa kanyang rason. “Wala namang problema kay yaya glor iyon, bella. Huwag mo‘ng masyadong isipin ‘yon," umismid ang dalaga habang binubuhay ni giovanni ang makina.

“Kahit walang problema sa kanya ayaw ko pa rin ng ganon. Sa akin kasi may problema, dapat sinabi mong birthday ni yaya para nabili ko siya ng regalo kanina,"

Napabuntong hininga si gio habang patuloy na minama-obra ang manubela. “Bibilhan natin siya bukas,"

“Sige ah, sabi mo ‘yan. Baka gabi ka na naman kasing umuwi eh,"

Power Of Seduction (Adonis Series 5)Where stories live. Discover now