SORRY

431 19 4
                                    

Chapter 18

Giovanni Pov.

Dahil hindi ako sanay na hindi kinakausap ni bella, para ba‘ng nalulungkot ako. I can‘t explain my dvmn feelings right now, i know she‘s mad because of what i said earlier. Ngunit hindi ko naman inaasahang magdaramdam siya ng ganoong kabilis.

Noon naman ay ayos lang sa kanya kahit pagsabihan ko ito. Kahit anong sabihin ko ay hindi siya nag-rereklamo. Pero ngayon, dvmn. May isip na siya, marunong na itong magtampo. Hindi ko inaasahan na mabilis siyang magbabago, but this is good. Atleast nagkakaroon na siya ng improvement. Sana magtuloy-tuloy na.

“Ayos lang ba ang tutor mo‘ng si carlo? Mukhang mabilis ka‘ng matuto sa kanya, sa tingin ko..” tumango si bella sa sinabing iyon ni lolo. Habang ako‘y nakaupo na sa pwesto ko, sa mismong harapan ni bella upang makuha ko ang atensyon niya. Ngunit wala talaga siyang oras para tumingin sakin, na kay lolo lang talaga ang buong atensyon nito.

“Kaloy mabait po, gusto bella kaloy..” umismid ako, palihim lang dahil ayokong makita nila kung gaano ako ka-bitter sa lalakeng ‘yon. Kung ako lang ang masusunod, maghahanap talaga ako ng ibang tutor ni bella.

“Ayos iyan, sinabi ko naman sayo. Mabait na tutor iyon si carlo, marami na siyang natulungang tulad mo..”

“Opo, marunong magsalita kaloy, hindi sisigaw bella. Lagi ngingiti kaloy sakin..” hindi ko alam kung may kahulugan ba iyong sinabi ni bella. Pero para sa akin, natamaan ako. Pakiramdan ko pinapahatid niya sakin na hindi ako mabait, na lagi ko siyang sinusungitan o sinisigawan. Pero normal lang naman iyon para sakin, and besides. Nabawasan na at hindi na tulad ng dati.

NATAPOS ang hapunan naming iyon ng hindi ako tinatapunan ng tingin ni bella. Naninibago talaga ako, dati kasi. Panay na iyan tanong sakin, kung ano-ano pa kahit walang kwenta. Kung dati ay bibigyan niya pa ako ng kahit anong pagkain sa plato ko, but now. She‘s different now. Galit ba talaga siya o nag-tatampo?

“Bella..” sinubukan ko itong tawagin ng matapos si lolo. Nagpa-alam na kasi itong aakyat na, samantalang si bella ay tinatapos pa ang kanyang kinakain. Ngunit wala iyang pagsulyap sakin, wala din siyang imik at nakaka-bingi ang katahimikan sa paligid namin. “May problema ka ba?” muli ay hindi ako nakatanggap ng tugon mula sa kanya. Niligpit na nito ang pinag-kainan nito at madaling tumayo na hindi man lang sinasagot ang tanong ko.

Matapos ‘non ay uminom siya at mabilis ng lumabas. Dahil sa kaguluhan nasa aking isip,  hindi ko na napigilang sundan siya, nakita ko itong naglalakad sa sala na mukhang binabalak na niyang umakyat sa kanyang silid.

Minadali ko ang paglalakad upang hulihin ang pulsuhan niya. Natigilan siya‘t napalingon sa akin.

“Hindi ba‘t kinakausap kita?” nakatingin lang ito sa mukha ko, walang reaksyon. Walang imik o kahit na ano man. “Bakit hindi mo ako sinasagot? Galit ka ba?”

“Bakit ako magagalit?” natigilan ako matapos niyang itanong iyon, hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba iyon o sadyang naging tuwid talaga ang pananalita ni bella.

“Nakapag-sasalita ka na ng maayos?”

“Maayos naman salita bella di ‘ba? Hindi din galit bella..” nangunot ang noo ko bago pumaling ang aking ulo. Narinig ko talaga kanina na nakapag-salita siya ng diretso, pero bakit ganito ulit.

“Then, why are you not talking to me? Bakit hindi mo ako pinapansin?”

“Kailangan ba‘ng pansinin kita lagi?” muli ay natulala ako sa sinabi niya. Hindi na talaga ito guni-guni, nagsasalita na siya ng maayos. Pero bakit ngayon lang pag galit siya?

Power Of Seduction (Adonis Series 5)Where stories live. Discover now