The Innocent Bella

400 16 1
                                    

Chapter 12

Third Person Pov.

ALAS DIYES pasado na ng magising si bella, medyo maayos na ang pakiramdam nito ngunit pinatimpla pa rin ni giovanni ang nabiling ginger juice. Ang sabi kasi ng napagbilhan nito ay medyo magiging maayos ang pakiramdam ng dalaga kung makakadalawa ito buong maghapon.

Nakasandal pa rin ang dalaga sa kama ng pumasok si giovanni sa silid. Tulala ito habang diretso ang kanyang paningin. Hindi malaman ni giovanni kung anong nasa isip ngayon ni bella, ngunit naupo siya sa gilid ng kama habang dala ang juice na itinimpla ni yaya glor.

“Bella?” hindi man lang niya nilingon si giovanni, kumunot pa ang noo ng dalaga na parang may naiisip na kakaiba. Napabuntong hininga si giovanni bago hawakan ang pulsuhan ng dalaga, doon lang bumalik sa wisyo si bella na tila ngayon lang napuna ang presensya ni giovanni. “Anong nangyari sa-yo?” pumaling ang ulo ng dalaga bago titigan na mabuti si giovanni.

“Gising na ba bella?” tumaas ang kilay ni giovanni dahil sa tanong na iyon ng dalaga.

“Malamang gising ka na, hindi ka naman siguro natutulog habang dilat ang mata mo hindi ba?”

“Akala bella natutulog pa, bella nandito kanina habang natutulog.” nangunot ang noo ni giovanni.

“Dito ka naman talaga natulog.”

“Hindi, tulog bella. Doon sa loob nito natutulog bella habang katabi gio..”

Napatango ang binata dahil sa sinabi niyang iyon, nakuha na nito ang nais niyang sabihin at tila ba sinasabi nito na nasa panaginip niya si giovanni habang magkatabi sila dito sa kama.

“Nananaginip ka, panaginip ang tawag 'don.”

“Panaginip?”

Tumango si giovanni. “Pag tulog ang isang tao, nagkakaroon siya ng panaginip. At iyon ang nangyari sayo kanina.”

Nag-iwas ng tingin ang dalaga bago mag-isip, kalaunan ay tumango siya at muling tiningnan ang binata.

“Bella, ngayon lang meron panaginip. Bella hindi tulog maayos sa simbahan.”

Naipaglapat ni giovanni ang bibig dahil sa sinabing iyon ni bella. Inosente pa rin ang mukha ng dalaga habang nakatingin na ngayon sa dala ni giovanni.

“Bakit hindi ka makatulog sa simbahan? Doon ka ba natutulog at hindi sa kalsada?”

Nag-angat ng tingin si bella. “Simbahan tulog lagi bella, hindi pwede sa labas dahil ma---” biglang natigilan ang dalaga ng mapangiwi siya. Hinawakan nito ang kanyang ulo na para bang biglang sumakit iyon sa naalala niya. “S-sakit...”

“Wait, huwag mo munang isipin 'yon. Just wait until your recovery is fine.”

Hindi sumagot ang dalaga, hawak pa rin nito ang ulo niya kung saan unti-unti ng nawawala ang sakit. Sa tuwing may naaalala ito sa kanyang nakaraan ay madalas na mangyari 'yon. Medyo nabawasan na ang mga alaala nito dahil halos walang magandang nangyari sa nakaraan niya. Puro lamang pasakit kung kaya't sa tuwing may nakikita at naririnig itong nagpapabalik ng alaala niya ay tuloy-tuloy na iyong pumapasok sa isip niya hangga sa sumakit ang ulo nito.

“Masakit pa ba?” umiling ang dalaga matapos kumalma ang sakit ng ulo niya. Hindi na rin nito inisip pa ang tungkol sa simbahan kundi iyong hawak na lang ni giovanni ang siyang muling tiningnan niya.

“Para kay bella tubig?” tumango si giovanni.

“Inumin mo ito para mawala ang sakit ng tiyan mo.” umiling si bella sa sinabing iyon ni giovanni..

Power Of Seduction (Adonis Series 5)Where stories live. Discover now