Pagseselos

446 21 2
                                    

Chapter 19

THIRD PERSON POV.

Sa pagyakap ni bella kay giovanni, halos mapigilan ng binata ang kanyang paghinga. Alam ni giovanni sa kanyang sarili kung gaano kalaki ang epekto ng dalaga sa kanya. Ang sistema nito ay tila ba nagwawala ngayon dahil sa kamay nitong nakayakap sa kanya. Marahan na napalunok si giovanni habang dinadama nito ang yakap ng dalaga.

Hindi man ito ang unang beses na may yumakap sa kanya ngunit ang nararamdaman niya ngayon ay kakaiba. Sa dami ng babaeng yumakap dito, si bella lamang ang may kakayahang patigilin siya. Ang paghinga nito ay napakabigat, ang puso niya‘y napakabilis na para ba‘ng hinahabol siya. Nais man nitong alisin ang kamay ng dalaga, hindi niya iyon magawa. Bumigat na kasi ang pagkakayakap nito na para ba‘ng malapit na siyang makatulog.

Sa huli, hinayaan ni giovanni na ganoon ang pwesto nila. Pinakikiramdaman nito ang dalaga habang nakatalikod ito, ang mga malalambot na bagay sa likuran ni giovanni ay pilit niyang nililihis sa isipan nito. Dapat pakalmahin nito ang sarili dahil kung hindi niya iyon pipigilan, tiyak na may kahahantungan ang dalaga sa kanya ngayong gabi.

“Gio..” buong akala nito’y natutulog na ang dalaga. Ngunit dahil nagsalita pa ito ay biglang nangunot ang noo niya.

“You should sleep now, bella. Gabi na..”

Hindi sumagot ang dalaga ng sabihin niya iyon. Naghintay pa siya ng ilang segundo hangga sa silipin niya ito. Nakasandal ang mukha nito sa likuran niya. Nakapikit na ito at mukhang natutulog na.

“Your dreaming again?”

Hinawakan ni giovanni ang kamay ng dalaga upang alisin iyon sa pagkakayakap. Umayos ito ng pagkakahiga bago tumagilid at harapin ng tuluyan ang dalaga.

Nakaharap ang pwesto ni bella dito kaya‘t kitang kita niya kung paano ito huminga ng malalim hudyat na malalim na ang kanyang pagtulog.

Bahayang nangiti si giovanni bago nito ayusin ang buhok ng dalaga. Doon din nito napuna sa sarili ang pag ngiti niya habang nakatingin kay bella, siguro nga ay espesyal na ang dalaga para sa kanya. Hindi lang niya iyon maamin dahil hindi nito akalain na magiging ganito ang nararamdaman niya sa isang babaeng weirdo.

Kinukumbinsi nito ang sarili na baka pagnanasa lamang ang kanyang nararamdaman, ngunit hindi iyon nangyayari. Kakaiba talaga ang takbo ng puso nito para kay bella.

“She‘s really beautiful while sleeping peacefully. Pero pag gising, parang bata..” natawa si giovanni bago tumabingi ang ulo nito. Tinitigan niya ng mabuti ang dalaga hangga sa matuon ang paningin nito sa labi niya. Bahagyang umawang ang labi nito ng sumagi sa isip niya ang dalawang beses na nahalikan nito si bella. Malambot ang labi niya, para ba‘ng isa iyong nakaka-adik na wine ang lasa ng labi nito dahil hindi niya iyon makalimutan.

Umangat ang kamay nito at marahang hinaplos ang labi ng dalaga. Kulang na lang ay halikan niya ito upang tuluyan na siyang makatulog, ngunit pumikit siya ng mariin bago muling humiga. Sinabunutan nito ang buhok bago magmura ng pabulong.

“Dvmn giovanni, what are you doing?” halos pagalit niyang tinanong ang sarili dahil ngayon lang nito napuna kung anong ginawa niya kanina. “She‘s innocent and young, we‘re not compatible!”

Napahilamos ito sa sarili niyang mukha dahil sa kaisipang iyon. Nais na sana niyang umalis ngunit gumalaw ang dalaga at muling yumakap sa kanyang katawan.

“Oh fvck!” halos pigil muli ni giovanni ang kanyang paghinga bago ito tumingala. Hindi na niya nais pa‘ng galawin ang dalaga dahil baka tuluyan na itong magising at magkaroon pa sila ng pag-uusap. Kaya‘t sa huli, pumikit na lamang si giovanni at pinilit ang sarili na matulog sa ganoong pwesto.



Power Of Seduction (Adonis Series 5)Where stories live. Discover now