AFTER ONEYEAR

482 25 5
                                    

Chapter 21

Third Person Pov.

Mula sa malayo ay tanaw ni bella ang mga bisita sa malawak nilang venue doon mismo sa front yard ng mansyon.

Maganda ang mga palamuti, sinadyang ayusin ang buong paligid kung saan nanaisin mo na lamang manatili doon.

Ang mga lamesa at upuan ay maayos na nakahilera maging ang pagkain sa gilid.

Hindi man nila alam ang edad ng dalaga. Wala na silang nilagay na numero nito sa malaki niyang cake.

Ang nais lang ni Rodolfo falcon ay maipakilala si bella bilang isang adopted niyang anak.

Isang taon na rin simula ng makasama nila ang dalaga. Magaan na ang loob nila dito at parang totoong pamilya na nila ito kung ituring.

Sa sobrang dami ng taong dumalo sa kaarawan nito. Isang tao lang naman ang nais makita ni belinda, ngunit bigo ito dahil wala sa lahat ng bisita ang taong hinahanap niya, napabuntong hininga siya. Pinakilala na siya ng isang dalaga na assistant ngayon ng senyor, maraming namamangha sa kanyang ganda kaya't halos lahat ng bisita ay nakangiti hangga sa bumaba ito sa maliit na stage.

Maayos na ngayon ang pananalita ng dalaga kumpara sa lumipas na taon. Naturuan na rin ito ng maayos kung paano kumilos ang isang tulad niyang dalaga.

Ngunit hindi pa rin talaga mababago na inosente pa rin ito sa lahat ng bagay lalo na't nasa mansyon lamang ito at hindi lumalabas.

"Happy birthday, Belinda.." sinalubong siya ni carlo ng makababa ito. Ang ilang bisita ay binabati ito na nagagawa naman niyang ngitian.

"May regalo ka ba sakin, kaloy?" ngumiti si Carlo bago ito tumango.

"Syempre, ikaw pa ba. Hindi pwedeng wala kang regalo sakin, pero. Mamaya mo na lang lahat buksan ang regalo mo. Madami iyon, magpakilala ka muna sa mga bisita ni sir rodolfo.." tumango ang dalaga sa sinabing iyon ni carlo. Dahil marami na itong nakikitang tao ngayon, medyo nawala na sa isip nito si giovanni dahil naaaliw na ito sa mga nakikita niya.

"Narito na pala ang anak ko.." iyon ang sinabi ni rodolfo matapos makalapit ni belinda sa kanya. Kahit anak na ang Turing sa kanya ng senyor, mas sanay itong tawaging lolo rod ang matanda kesa sa tawagin niya itong daddy.

Ngumiti si belinda sa mga kasama ng senyor. Mga babae iyon at lalake na nasa 50's ang edad, may kasama ang mga iyon na anak nila na siya namang humahanga sa ganda ng dalaga.

"She's studying home now, hindi pa ito nag-aaral sa Fatima dahil isang taon pa lang ng kupkupin ko ito.." tumango ang kaharap ng senyor matapos niyang sabihin iyon. Nakatayo si bella sa tabi niya habang si carlo ay may kausap ng isang lalake.

"Ang ganda naman pala ni belinda, pwede siyang maging endorser ng fashion clothes sa studio ko. Kung papayag lang kayo.."

Nangiti ang senyor dahil sa papuri ng isang owner ng jeans brand na business partner nila. Ngunit hindi naman siya makapagdesisyon agad dahil masyado pang inosente ang dalaga.

"Maganda nga sanang offer iyan, ang kaso lang. Mag-aaral pa ito, saka na siguro iyan pag may libreng oras na siya.." tumango ang kausap nito sa sinagot niyang iyon.

"Ayos lang naman, our company is always welcome for her.."

Matapos ng pag-uusap nilang iyon. May isang pamilya ang lumapit sa kanila na agad binati ang dalaga, gaya lamang kanina. Nginitian iyon lahat ni bella dahil iyon ang sinabi ni carlo kanina.

Dapat ngumiti siya sa lahat ng bisitang binabati ito.

"This is my son, he's studying engineering and soon to be graduate this year.." pinagmamalaki iyon ng ginang sa senyor dahil nais niya itong ipakilala kay bella. Dahil nga kilalang pamilya ang mga martinez, halos lahat ay nais magkaroon ng koneksyon sa kanila.

Power Of Seduction (Adonis Series 5)Where stories live. Discover now