Lester Ortega

338 10 1
                                    

Chapter 27

Third Person Pov.

Habang nasa silid ang dalaga dahil sa sinabing salita sa kanya ni jhenny. Pumasok naman na doon si giovanni upang kumustahin sana ang lagay ng dalaga.

Naabutan niya si Belinda na nakaupo sa kama na ngayo'y nakatingin na sa kanya dahil sa pagpasok nito.

"Gising ka na pala." Hindi sumagot ang dalaga sa sinabi niyang iyon. Lum  apit na ito kay Belinda ngunit bukod tanging paninitig lamang ang ginagawa ng dalaga.

"Why aren't you talking? May masakit ba sayo?

"Akala ko ba ay pagod ka?" Imbes na sagutin ang tanong ni Giovanni. Iyon ang binatong katanungan ni Belinda dahil sa sinabi kanina ni Jhenny.

"Ofcourse not, naligo lang ako."

"Ang sabi ni ate jhenny pagod ka dahil marami kayong ginawa. Ang sabi niya secret lang daw iyon." Nangunot ang noo ni Giovanni dahil sa narinig.

"Pumunta ka sa kwarto ko?" Tumango ang dalaga. "Bakit hindi mo ako hinintay?"

"Iniisip ko nga na nagpapahinga ka kaya bumalik na lang ako sa kwarto ko." Hindi na sinabi ni Belinda ang totoong nangyari kung bakit narito siya ngayon. Hindi naman na niya kasi iyon binibigyang kahulugan dahil ang nais lang niya ay ang hayaang makapag-pahinga si Giovanni.

"I'm not tired, bella. How about you? Masakit pa ba ang ulo mo?"

Umiling ang dalaga upang ipahatid na wala na itong nararamdamang sakit pa.

"Kung hindi mo pa kayang alalahanin ang nakaraan mo, huwag mong pilitin. Baka maulit na naman ang pananakit ng ulo mo."

"Gusto ko lang kasi sagutin ang tanong ni lolo rod, pero sumakit ang ulo ko."

"Next time don't force yourself again, darating din ang araw na maaalala mo ang nangyari sayo." nagbaba ng tingin si belinda at hindi na sumagot pa. Sa totoo lang ay madalas niyang napanaginipan ang nangyari sa kanya noon, ang mga trauma na nagdulot sa pagkatao niya dahilan upang hindi siya makapagsalita noon.



"Hindi ka pa ba nagugutom?" hinawi ni giovanni ang buhok ng dalaga matapos itanong iyon. Kakaiba talaga ang nararamdaman niya sa dalaga dahil ultimong titig lamang nito ay nag-iiba na ang pintig ng puso niya.

"Nagugutom na." sagot nito sa mahinang tinig.

"Then let's go, sabay na tayong kumain."

"Si ate jhenny ba?" nangunot ang noo ni giovanni matapos itanong iyon ni belinda. "Hindi siya nakatira dito pero bakit siya pumupunta dito?"

"Ka-trabaho ko si Jhenny, isa siyang architect.."

"Architech?"

"Yes, taga disenyo ng bahay, paaralan o gusali.." dahil sa sinabing iyon ni giovanni, tila ba naantig ang interest ng dalaga sa trabahong iyon.

"Mahilig akong magdrawing ng bahay, iyon ba ang ginagawa niya?"

"Yes, gusto mo ba'ng maging architect din balang araw?"

"Gusto ko, parang masaya ang trabahong iyon."

"Yeah, but it's stressful. Sa ngayon, hindi ka pa sigurado sa gusto mo. Maghintay pa tayo ng ilang taon para malaman ang totong gusto mo."

Tumango-tango ang dalaga sa sinabing iyon ni giovanni. Inalalayan na rin siya nitong tumayo upang igaya na palabas ng silid. Nais sana niyang kumprontahin si jhenny nang makita niya itong nakaupo sa sala na tila ba nagulat pa ng makita silang pababa ng  hagdan.

Power Of Seduction (Adonis Series 5)Where stories live. Discover now