Kaligtasan

465 16 2
                                    

Chapter 33

Third Person Pov.

Naging tahimik ang biyahe nila pauwing mansyon. Marami man ang gumugulo sa isip ni giovanni habang pauwi sila ngunit pilit niyang isinantabi lahat iyon.

Nais niyang kwestyunin na ang dalaga. Gusto na nitong malaman ang buong detalye kung ano ang totoong nangyari sa kanya noong mga panahong nasa simabahan pa siya.

But unfortunately, he doesn't want her to be scared again. Nais niya munang kumalma ito at panandaliang mawala ang takot na naramdaman niya kanina. Iniisip rin kasi ni giovanni ang kapakanan ng dalaga, he didn't want to see her crying like what happen earlier. Para bang hinahati ang puso niya ng makita itong umiyak kanina dahil sa takot.

"Do you want some milk?" kapapasok lamang nila sa sala ng magtanong si giovanni. Nakabukas pa rin naman ang ilaw dahil tiyak na hindi pa natutulog si yaya glor. Tumango si belinda sa tanong nito, matamlay siya lalo na ng maupo ito sa sofa ng walang imik.

Sa eksenang iyon ay dumating rin si yaya glor. Agaran siyang lumapit sa dalawa upang tanungin kung nasaan ang senyor.

"Lolo is still there, marami pa kasing bisita kaya baka mamaya pa siya makaka-uwi." tumango ang ginang sa sinabing iyon ng binata.

"Kung gagabihin na pala siya, dapat doon na lang siya matulog. Hindi ba't may mga kwarto naman sa hotel na 'yon?"

"I don't know his decisions. Kilala mo naman si lolo, kahit anong oras uuwi iyon dahil hindi siya sanay na nakikitulog sa ibang kama." napabuntong hininga si yaya glor. Doon na rin nagawi ang paningin niya kay belinda na tulala lang sa pwesto nito.

"Anong nangyari sayo?" umupo si yaya glor sa tabi nito. Nag-angat ng tingin ang dalaga kasabay ng pag-iling nito.

"Wala po, inaantok lang ako."

"Ipagtitimpla muna kita ng gatas, gusto mo?" tumango si belinda. Hindi na nagsalita pa hangga sa tuluyang lumisan ang ginang.

Hindi malaman ni giovanni kung ano ang sasabihin ngayon, nais niyang pagaanin ang loob ng dalaga ngunit maging siya ay mabigat ang nasa dibdib nito. Simula malaman niya kanina na sinasaktan pala nila si belinda, uminit na ang kanyang dugo sa mga lalakeng 'yon. Nais niyang sampahan ito ng mga kaso ngunit alam niya na wala siyang sapat na ebidensya.

"Maliligo na ako, gio." tipid na ngumiti si giovanni bago tumango.

"Ako na ang mag-aakyat ng gatas mo sa itaas, maligo ka na." ramdam ni giovanni ang katamlayan ng dalaga. Hindi na kasi siya nagsalita matapos sabihin iyon ni giovanni.

Lumakad na siya patungo sa kanyang silid upang maligong muli. Hindi mawala sa isip nito ang mga lalakeng nakita niya kanina, iyon ang mga kinatatakutan niya sa simbahan kung kaya't mas pinili na lamang nitong tumakas.

Hindi niya akalaing muli nitong makikita ang lalake na pilit siyang binubugaw sa ilang bussiness partner nito sa negosyo.

Ngunit palagi lamang nauuwi sa wala ang lahat. Si belinda na rin kasi ang gumagawa ng paraan para ayawan siya ng mga lalakeng kumukaha rito. Iyon rin ang dahilan kung bakit nasasaktan siya, sino ba ang mag-aakala na ang isang alagad ng isang diyos ang sakim din. May maitim na budhing tinatago at ni walang naramdamang awa sa dalaga.

Habang naliligo ang dalaga, iniisip niya iyon. Sumasakit ang ulo niya dahil lahat ng nakaraan nito ay unti-unting bumabalik sa kanya.

Ang pagkasunog ng bahay ampunan.

Ang biglaang pagkawalay niya sa mga madre na nag-aalalaga sa kanya noon.

Dahil sa pagkawalay nito sa mga tagapag-alaga niya. May sindikatong nakakuha sa kanya, pinagmamalupitan sila at hindi pinapakain. Kailangan nilang kumita ng pera para makakain sila, ngunit kung wala silang kikitain sa isang araw. Sampung beses silang hahampasin ng sinturan mula sa likuran.

Power Of Seduction (Adonis Series 5)Where stories live. Discover now