Chapter 1

23.7K 629 167
                                    

ZEREF GRAY VERMILION POV

"Dada! Dada, gising na po! Dadaaaa! Gutom na po akoooo." Nagising ako sa maliit na tinig na gumising sakin pati narin ang maliit nitong kamay.

Pagmulat ko ng dalawa kong mata ay ang makulit at magandang bata agad ang bumungad sakin, nakanguso pa.

"You're finally awake, Dada. Get up po, I'm hungry na po tsaka po it's our first day of school, Dada!" Agad akong napabangon dahil sa sinabi niya.

Napatingin ako sa alarm clock ko, shvta alas 7 na! Alas 8 first class ko.

"Good morning my beautiful baby! Let's go magluluto na si Dada!" Masigla kong bati sa kanya na agad niya namang kinangiti at hinalikan ako sa pisnge.

Agad ko siyang binuhat palabas ng kwarto ko at dali daling pumunta sa sala at doon siya inilagay at nagpunta ng kusina.

Itlog at hotdog lang ang naluto ko dahil madaling madali narin talaga ako, pagtapos ay agad na akong naghain.

"Keanna, come here na!" Sigaw ko sa kanya sa sala.

Rinig ko naman ang maliliit na yabag nito papunta sa dining room. Kita kong napangiti siya ng makita ang niluto ko.

"Favorite! Thank you, Dada!" Hinalikan ko naman siya sa pisnge at tinulungan siyang umupo sa upuan.

Masagana kaming kumain, ang bulingit naman ay panay kwento ng kung ano ano.

Pagtapos naming kumain ay agad na akong naligo, saglit lang din dahil nga late na kaming dalawa.

Okay lang naman na hindi mag uniporme sa university na pinasukan ko kaya simpleng t-shirt na itim na pinatungan ng hoodie at skinny jeans pants lang ang suot ko. I also wear my eyeglasses.

Hindi malabo mata ko, trip kolang magsalamin. Walang pakealamanan. Charot.

Pagtapos ng ilang minutong paghahanda ay lumabas na ako ng kwarto at pinuntahan ang batang kanta ng kanta ng cocomelon.

"Let's go na baby, sorry talaga nalate ka pa sa first day of school mo." Paghinging paumahin ko sa kanya at kinuha ang bag niya.

Ngumiti lang siya sakin at agad na kaming lumabas ng bahay na tinutuluyan namin.

Malapit lang naman ang paaralan niya kaya di na ako natagalan pa sa paghatid.

"Baby, behave ha. Kapag may nang away sayo, huwag papatulan tapos pag may lumapit sayo na hindi mo kilala wag na wag kang sasama. Wait mo lang palagi si Dada dito ha, ako palagi magsusundo sayo." Paalala ko dito.

"Opo, Dada. Behave po ako. Pasok ka na din po, I love you po!" Napangiti naman ako sa tinuran niya.

"I love you baby ko, sige alis na si Dada. Wag pasaway sa teacher ha." Tumango naman siya kaya hinalikan ko na siya sa noo at dali daling umalis.

Agad na din akong sumakay ng tricycle papunta sa paaralan. Ilang minuto lang ay agad naman akong nakarating.

Pagababa ko ng tricycle ay agad akong pumasok sa gate pero hinarangan ako ng guard.

"Iha bawal ang hindi studyante dito." Malamig ko lang siyang tinitigan.

"Studyante ako dito." Maikli kong tugon.

"Sorry miss di ako naniniwala jan wala kang I'd eh."

"I'm transferee kaya wala akong I'd."

"Ay okay po, sorry po Ma'am."

Nilampasan ko lang siya at hindi na pinansin. Gosh late nako ininterview pako.

HauntedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon