Chapter 38

6.2K 259 28
                                    

Nag iisip ako ng plano ko ngayon. Madaling araw na pero di parin ako natutulog. Si Cherry ay tulog na tulog sa tabi ko.

Gusto kong puntahan si Keanna, sana andito pa siya. Naguguluhan ako, gusto kong humingin ng tulong sa kanila pero ayaw ko naman silang mapahamak. For sure naman may kasamang matatanda si Keanna. Baka nga kasama niya si Dabria.

Dahan dahan kong tinanggal ang pagkakayakap sakin ni Cherry at tumayo.

Tngina sana naman tulog yung mga tauhan dito.

Dahan dahan din akong lumabas ng kwarto ng walang ginagawang ingay.

Pagbaba ay muntik pa akong mahuli ng kasambahay buti nalang talaga at nakatago ako sa likod ng malaking vase.

Nang makaalis siya ay naglakad na ako papalabas ng pintuan. Pero may mga bantay kaya naghanap ako ng ibang pwedeng madadaanan.

May nakita akong bintana kaya dahan dahan akong pumunta doon. Maliit lang siya pero mukhang makakaya ko namang makalabas.

Patingin tingin ako sa paligid dahil baka mahuli ako.

Tagumpay akong nakalabas ng bahay ng walang nakakapansin.

Buti nalang talaga may short cut dito kaya di ko na kailangan umakyat ng gate. Nakita ko ito nung nakaraang araw nung naglalakad lakad ako.

Napayuko ako sa likuran ng bato ng may naglalakad na isa sa mga tauhan ni Cherry. Tngina bat ba di natutulog tong mga to.

Pagkaalis niya ay dali dali akong tumakbo ng hindi nito napapansin.

Habang tumatakbo ay patingin tingin ako sa paligid kung may nakakita ba sakin. Buti wala.

Bahala na, hindi na ako babalik don. Gumawa gawa pa ako ng plano kagabi tas tatakas lang din pala ako. Bobo lang diba.

Nang marating ko ang kubo sa kung saan ko nakita si Keanna kanina ay huminto na ako.

Hingal na hingal akong napahinto.

Hindi ko alam kung saan sila dito dahil andaming magkakatabi na Kubo. Papasok sana ako sa kaharap ko na kubo ng lumabas si Rhea na mukhang inaantok pa.

Bigla siyang nag angat ng tingin kaya nagtama ang mata namin. Kita kong sisigaw sana siya ng agad akong lumapit dito at tinakpan ang bibig nito.

"Hmpp hmppp!!!" Binatawan ko siya at sinapok ng malakas sa ulo.

"Hoy tngina mong multo ka! Multo ka ba?" Tanong niya at sinampal ng mahina ang pisnge ko.

Napalingon lingo ako sa paligid bago itinulak papasok ng Kubo si Rhea.

Kita kong kasama niya dito si Safara at Lauren na magkayakap pang natutulog.

"Gisingin mo sila. Tatakas tayo. Itakas niyo ako bilis!" Binatukan ko siya ng hindi pa siya kumilos.

"Tangina mo bilisan mo!"

"Gago totoo ka nga!? Bakit ka tatakas? San kaba galing!?"

"Tngina wag na puro tanong gisingin mo na! Asan sila Dabria???" Lumapit naman siya sa dalawa at malakas na tinadyakan sa pwetan si Lauren.

Gago ampvta.

"Sa katabi nito. Sa kanan." Tumango ako at sinenyasan na gisingin ang dalawa.

"Gisingin mo pa iba niyong kasama. Pupuntahan ko sila Dabria." Tumango naman ito jaya lumabas na ako at pumunta sa katabing Kubo.

Hindi ako nahirapan dahil hindi naman pala nakalock.

Pagpasok ay kusang bumagsak ang luha ko ng makita siya. Fck, miss na miss ko na talaga siya.

HauntedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon