Chapter 15

14K 488 71
                                    

"Gray, gusto ko non."

"Gray, I want kwekkwek."

"Gray, I want peanut."

"Gray, I want you."

Napahilamos naman ako ng mukha dahil sa panggugulo ni Dabria sakin.

Dabria nalang daw itawag ko sa kanya, binantaan ba naman ako na puputulin dickavolity ko pag tinawag ko pa daw ulit siya ng Ma'am.

Anyway, andito kami sa kompanya niya. Kasalukuyan akong nagtatrabaho ng bigla siyang pumasok at nag request ng kung ano ano.

"Gray! I said I want violet strawberry!!!" Napatakip ako ng tenga ng sumigaw siya.

"Dabria naman may ginagawa pa ako. Don ka sa boyfriend mo magpabili." Reklamo ko at di parin siya binabalingan ng tingin.

Di ko siya narinig na sumagot, maya maya ay narinig kong mahina siyang humihikbi sa likod ko kaya napabuntong hininga ako at hinarap siya.

Hinila ko naman siya paupo sa kandungan ko, aish bahala na nga yung boyfriend niya.

"Hush now, I'm sorry may ginagawa pa kase ako eh. Eto yung mga dapat na gagawin mo tas di mo nagawa." Patuloy parin siya sa paghikbi at sumiksik sa leeg ko.

"I hate you, you don't love us anymore. I hate you! I hate you!" Saad niya at pinagsusuntok dibdib ko.

Wait, ano daw?

Us? Sino?

"Kayo? Anong ibig mong sabihin?" Seryoso kong tanong sa kanya.

Humiwalay naman siya sa pagkakasiksik sa leeg ko at humarap sakin, malaki siyang nakangiti. Eh? Bipolar.

"I'm pregnant, Gray." Nakangiting sambit niya.

Para naman akong nabingi dahil sa sinabi niya.

Buntis?

Tngina.

Akala ko ba safe siya nung may nangyari samin? Ano to?

Walang emosyon ko siyang tinignan at marahan na binuhat paalis sa kandungan ko.

"Baka hindi akin yan."

Kase diba may boyfriend siya!? Malay ko ba kung may nangyayari sa kanila ng boyfriend niya, at sinabi niya naman safe siya nung may nangyari samin eh.

Para naman akong nabingi dahil sa lakas ng pagkakasampal niya sakin.

"What the fuck, Gray!? You're the only one who fucked me, Gray!" Sigaw niya at kwinelyuhan ako.

"Ang sabi mo nung may nangyari satin safe ka, Dabria! So pano ako maniniwala na akin yang dinadala mo?" Bahagyang tumaas ang boses ko kaya kita kong parang maiiyak na ulit siya.

Gusto ko siya.

Masaya ako kung akin nga ang bata pero pano naman ako makakasigurado?

"I-i hate y-you! Y-you don't l-love us!" Saad niya at pinagsusuntok ako sa dibdib.

Napabuntong hininga naman ako bago siya marahang hinila ulit paupo sa kandungan ko.

"Sorry, di ako naniniwala na akin yan dahil unang una sabi mo sakin nung may nangyari satin is safe ka. Pangalawa, m-may b-boyfriend ka." Mahina niya naman akong sinampal at sinamaan ng tingin.

"I'm not safe that time, I only said that because I love you Gray. I wanted to build a family with you. You, me, Keanna and our baby. And one more thing, I don't have a boyfriend na, at isa pa walang nangyari samin, Gray. Big iw." Di ko alam kung masisiyahan na ba ako sa sagot niya.

HauntedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon