Zeref Gray Vermilion POV
Tulala ako dito sa kwarto, iniisip kung anong nangyari noong tatlong buwan.
Simula nung kidnapping na pangyayari ay hindi ko na ulit nakita sila Cherry, Ate Bryn at Ate Stella.
Si Dabria naman ay tulog ngayon sa tabi ko.
Napabuntong hininga ako at ginulo ang buhok ko. Andito na kami ngayon nakatira sa bahay niya dahil masyado siyang mapilit.
Biglang nabaling ang tingin ko kay Dabria ng bigla siyang nagsisisigaw.
"Don't! S-stop! Don't hurt her! Nana!!! Please don't hurt Nana!" Niyugyog yugyog ko siya para magising.
"Dabria! Dabria!!!" Bigla naman siyang napabangon at hingal na hingal na tumingin sakin.
"T-they k-kill my N-Nana, G-Gray. I-I hate them." Parang batang sumbong niya at yumakap sakin.
Kinuha ko naman ang tubig sa mini ref at pinainom sa kanya.
Ganto siya palagi simula nung makita ko ang picture ng sinasabi niyang Nana niya sa ilalim ng kama niya.
FLASHBACK
Kasalukuyan kong hinahanap ang kwintas ko na biglang pinutol at tinapon sa kung saan ni Dabria kagabi.
"San na ba yon?" Tanong ko sa sarili ko bago yumuko sa kama at tinignan.
Nahinto ang tingin ko sa isang box na nakatago sa gilid. Dahil sa kuryusidad ay kinuha ko ito at binuksan.
May nakita akong picture ng isang matandang babae at ng picture ni Dabria noong pagkabata niya.
Ang matandang babae ay nakasuot ng pang unipormeng kasambahay.
Pareho silang nakangiti sa larawan at nakayakap pa si Dabria sa matanda.
Nabaling ang atensyon ko sa isang kwintas na nasa loob ng kahon. May nakasulat na A.D.A sa likod ng pendant nito.
Biglang nabaling ang atensyon ko sa pintuan ng bumukas ito at iniluwa si Dabria. Kita kong natigilan siya ng makita ang hawak ko.
Kita ko kung paano manginig ang kamay niya at parang papaiyak na kaya dali dali akong tumayo at niyakap siya.
"A-anong nangyari, Dabria? May problema ba?" Nag aalalang tanong ko pero di siya sumagot at humiwalay lang sa pagkakayakap sakin at lumapit sa kama bago kinuha ang box at ibinalik sa ilalim ng kama.
"Don't touch it again." Malamig na saad niya.
Biglang nanindig ang balahibo ko dahil sa lamig.
Tumango nalang ako sa kanya at lumapit sa kanya. Yayakapin ko na sana siya ng umiwas siya sakin.
Simula nun ay bigla ng nag iba ang pakikitungo niya sa akin. Pero hindi kay Keanna.
END OF FLASHBACK
"Tahan na, Dabria." Pag aalonko dito.
"S-siya nalang M-Meron ako n-non G-Gray b-but they k-kill her. H-He kill her, G-Gray. I-i h-hate them. Ughh I hate them!!!!" Galit na saad niya at sinambunutan ang sariling buhok.
Hindi ko alam kung anong nangyari o anong meron sa nakaraan niya dahil never pa siyang nagsabi sakin.
"Dabria! Tama na, ano ba!" Pagpipigil ko at mahigpit siyang niyakap.
BINABASA MO ANG
Haunted
Mystery / ThrillerZeref Gray Vermilion - babaeng sobrang lamig makitungo dahil sa nakakatraumang pangyayari sa nakaraan niya. Hanggang sa may Isang professor na darating at guguluhin ang tahimik niyang mundo. Aizen Dabria Avila - The most beautiful professor ng unive...