Chapter 3

14.3K 549 117
                                    

Kasalukuyan akong nasa klase ngayon at si Prof Avila ang nagtuturo. Pansin kong kanina pa siya panaka nakang tumitingin sa akin, Prof alam kong maganda ako pero wag kang ganyan.

"Who's willing to answer this?" Turo niya sa math problem na nasa board.

Walang isa man ang nagtaas ng kamay, madali lang naman yan eh jusko.

"If there's no one who can answer this right now, I will give you guys a quiz about this right now." Malamig niya paring saad sa amin, rinig ko ang bulungan ng mga kaklase ko na hindi daw nila alam ang sagot.

"Wala?" Walang sumagot samin.

Alam ko naman yung sagot e tinatamad lang akong tumayo.

"Okay, get a paper now." Rinig ko ang pagtutol ng iba kaya nagtaas na ako ng kamay.

"Yes, Vermilion?" Ako lang ba o sadyang lumambing talaga yung boses niya?

"Ako sasagot."

Kita kong napangisi siya bago ako senyasan na pumunta sa harap. Tamad namang tumayo ako at pumunta sa harap bago sinagutan ang problem sa board.

Rinig ko naman ang sari saring bulungan dito sa loob. Pagtapos kong sagutan ay inilapag ko na sa table niya ang marker at bumalik sa upuan ko.

Kita kong namamanghang napalingon sakin ang mga kaklase ko.

"Okay.. good."

Nagpatuloy ang discussion ni Prof Avila hanggang sa tumunog na ang bell, siya ang last subj namin this morning eh. 7:30 first subj and then sya na.

"Class dismissed. Vermilion, help me." Mula sa pagkakaayos ko sa gamit ay napalingon ako kay Ma'am ng banggitin niya ang apelyido ko.

Wala naman sigurong gagawin si Ma'am sakin noh? Okay lang naman ata na tulungan ko siya.

Naglabasan na ang mga kaklase ko at kaming dalawa nalang ang natira, kita kong nakatingin sakin si Ma'am kaya iniiwas ko ang tingin ko dito bago lumapit.

Kinuha ko na ang gamit niya at naunang lumabas ng classroom. Bahala siya don.

"How rude you are, Vermilion."

Biglang salita sa likuran ko, I know it's her. Nakasunod pala agad.

Naramdaman ko ang pagsabay niya sa paglalakad ko pero di ko siya tinapunan ng tingin.

Ang kyut niya, ang liit ng height hanggang labi ko lang, sakto pang forehead kiss. Charot HAHAHA.

Pagdating namin sa tapat ng office niya ay agad niya itong binuksan at pinapasok ako. Ang ganda ng office niya maayos pagkaka ayos at ang linis pa.

Agad kong inilapag sa table niya ang gamit niya at akmang lalabas agad ng tawagin niya ako.

"Sit, Vermilion." Malamig niyang ani.

Arf arf.

Nilingon ko siya, naka crossed arms siyang nakaupo sa swival chair niya at bukas ang tatlong butones ng polo niya kaya kita ang collarbone niya.

Damn it.

Pakiramdam ko nanuyo ang lalamunan ko kaya tumikhim ako bago nag iwas ng tingin.

"B-bakit, P-Prof?" Ggi ka Zef bat ka nauutal.

Hindi siya sumagot kaya ibinalik ko ang tingin ko sa kanya, nakita kong nakangisi siyang nakatingin sakin pero agad ding nawala ng makitang nakatingin ako sa kanya.

"I said sit." Umupo nalang ako sa couch na kaharap niya.

I composed my self at malamig siyang tinitigan.

HauntedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon