Chapter 33

7.1K 291 58
                                    

Aizen Dabria Avila Vermilion POV

I'm busy finding the higad na text ng text kay Zeref.

I know nasa paligid lang siya.

Sinabi ko lang kay Zeref na sa university ang punta ko even not.

Ayoko ng pumatay o manakit pa pero eto na naman.

I'm watching the cctv sa kwarto namin ni Zeref at sa labas ng bahay.

I pause the vid ng may mahagip ang mata ko. This is the part na nagising si Zeref.

I saw a human figure na nakatayo sa gilid niya at hinahaplos ang mukha niya.

I know this is not a ghost or what.

Nakatalikod siya sa camera kaya di ko makita mukha niya, isa pa medyo madilim ang kwarto.

The person is wearing a white dress.

A girl.

I saw na parang may nilapag siya sa lapag at pumasok sa ilalim ng kama bago haplusin ulit ang mukha ni Zeref.

Bigla siyang dali daling umakyat ng bintana at doon dumaan palabas, tsaka din bumangon si Zeref.

Kita kong binuksan ni Zeref ang switch ng ilaw at tumingin tingin sa paligid bago nabaling ang tingin niya sa sahig.

Nabaling naman ang tingin ko sa bintana, at may nakita akong tao. She's familiar.

A really familiar person.

Hindi ko masyadong makita ang mukha niya basta parang familiar siya.

Hindi ko na tinapos ang video at isinarado ang laptop.

Gosh I don't know what to do.

I need to know this person.





Zeref Gray Vermilion POV

Mag aalas dose na kaya papunta na ako sa restaurant na pagkikitaan namin ng kameeting ko ngayon.

Umalis narin kaagad ang mga kaibigan ko kanina ng malaman nilang may meeting ako. Hindi narin namin pinansin ang narinig namin sa banyo.

Kasama ko ngayon si Rhea na kasalukuyang hawak hawak ang tyan niya, nagugutom na naman tong gagang to.

"Ililibre kaya tayo ng kameeting mo ngayon, teh? Nagugutom ako." Saad niya sakin kaya binalingan ko siya saglit ng tingin.

Ako kase nagdadrive, di naman marunong mag drive tong isa.

"Isang oras palang tayong di nakakakain, Rhea! Jusko ka naman." Kita ko sa peripheral vision ko na napanguso siya.

Pagdating sa restaurant ay mas nauna pang lumabas ng kotse si Rhea kesa sakin.

Excited sa pagkain amputa.

Pagpasok ay nagtaka ako dahil walang tao.

"Asan mga tao, teh?" Tanong ni Rhea.

Nagkibit balikat lang ako sa kanya.

Biglang may lumapit na waitress sa amin at binati kami.

"Ikaw po ba si Zeref Vermilion, Ma'am?" Tanong niya.

"Ahh opo, may kameeting ako dito pero parang sarado ata kayo." Umiling iling siya sa akin.

"Pina reserve niya po itong buong restaurant. Halika po, dalhin ko na kayo sa table niyo." Tumango naman ako at nagpasalamat sa kanya.

HauntedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon