Chapter 30

7.9K 296 174
                                    

Kasalukuyan kaming nasa Thailand ngayon dahil dito naisipan ni Dabria na makipag honeymoon.

Labag man sa kalooban ko na iwan ang dalawang anak namin ay wala akong magawa kundi pumayag sa gusto niya dahil may nagbabantay naman daw sa dalawa.

Ieenjoy ko nalang to na kasama siya.

Tatlong araw lang din kami dito.

"Hey, what are you thinking hmm?" Malambing na tanong ng nasa likuran ko at yumakap sa akin.

Nakatanaw lang ako sa mga taong dumadaan sa baba.

"Wala." Maikling sagot ko.

Naramdaman kong napabitaw siya ng yakap sakin at tumabi kaya binalingan ko siya ng tingin.

"Are you thinking of other girls, Zeref?" Malamig na tanong niya.

Umiling iling naman ako bago ibinalik ang atensyon sa tanawin sa labas.

Nagulat ako ng bigla niya akong pinihit paharap at malakas na sinuntok sa mukha. Ggi ansakit.

"Aray, Dabria! Ano bang problema mo?" Tanong ko at hinawakan ang labi kong dumugo.

"Is that you, Gray!?" Huh?

"Huh? Dabria, namiss mo si Gray?" Huminga ako ng malalim bago siya kinabig para yakapin.

Napagkamalan niya na namang ako si Gray.

"Sorry na, iniisip ko lang dalawang anak natin eh." Narinig ko ang pagbuntong hininga niya bago lumayo sa akin.

"Can we please enjoy our honeymoon? I'm pretty sure they are okay naman." Ngumiti naman ako sa kanya at hinalikan siya sa noo bago hawakan ang tyan niya.

Biglang tumunog ang cellphone ko, damn ito na naman.

Hindi ko ito kinuha at hinayaan lang na nasa bulsa ko. Sunod sunod na tumunog ito kaya tinignan ako ng masama ni Dabria.

"What is that? Bakit hindi mo tignan ang cellphone mo?" Napalunok naman ako bago umiling iling sa kanya.

"Di naman importante yon, hayaan na natin." Sagot ko at niyakap siya ulit.

Nainis ako dahil patuloy parin itong tumutunog kaya kinuha ko na.

Kita kong andaming message na sinend.

From: 09********
    What a nice view.

    Enjoying huh?

    Tsk.

Isa lang yan sa mga message ng unknown number, andami niya pang message pero di ko na binasa pa at inoff na ang cellphone.

Pag angat ko ng tingin ay nakasalubong ko ang nagbabagang tingin sakin ni Dabria.

"Someone's messaging to you again? Kailan ba nila tayo patatahimikin?" Napahinga naman ako ng malalim bago siya halikan sa noo.

Sana lang talaga wala lang yon.

Ayokong masira pamilya namin ni Dabria.





Inenjoy lang namin ni Dabria ang buong araw ng magkasama, nag libot libot kami at namili ng kung ano ano.

Shinare ko pa nga sa kanila na may crush ako dito sa Thailand kaso bigla namang dumilim awra niya.

Crush ko lang naman si Loverruk eh.

Kanina pa masama ang titig niya sa akin dahil sa crush ko, buti nalang di ko nasabi pangalan.

Todo iwas naman ako ng mata sa kanya dahil feeling ko masusunog ako sa klase ng titig niya.

HauntedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon