Chapter 31

7.8K 344 123
                                    

Nakabalik na kami ng Pilipinas at tuwang tuwa naman ako ng makita ang dalawang anak ko pero parang hindi sila masaya na nakita kami.

"Babies, anyare?" Tanong ko sa dalawa.

Sabay naman silang umiling at pinagpatuloy ang pagkain.

Kita kong panaka nakang tumitingin ang dalawa sa isa't isa kaya pabagsak kong inilagay ang kutsara at tinidor ko sa lamesa.

"Anong meron?" Malamig na tanong ko sa dalawa.

Sabay naman silang nag iwas ng tingin at pinagpatuloy ang pagkain.

Napatingin naman ako kay Dabria pero tinaasan niya lang ako ng kilay.

Napailing nalang ako at huminga ng malalim bago pinagpatuloy ang pagkain.

Pagkatapos kumain ay dumiretso na ako sa kwarto namin ni Dabria.

"Hey." Tawag pansin sa akin ni Dab ng makapasok siya sa kwarto.

Binalingan ko naman siya ng malamig na tingin at ibinalik ang atensyon sa binabasang libro.

"Zeref."

"Stop, Dabria." Ramdam ko ang masamang tingin niya sa akin pero isinawalang bahala ko nalang.

"What the hell is wrong with you!?" Iritadong tanong niya pero di ko parin siya binabalingan ng tingin.

Naiinis ako sa di malamang dahilan.

Bigla niyang inagaw sakin ang librong binabasa ko at kumandong sakin.

"Alis." Malamig niya akong tinignan at ganon din ako sa kanya.

Napabuntong hininga ako bago niyakap ang bewang niya at isinubsob ang mukha sa dibdib niya.

"I'm sorry. Naiinis lang ako." Naramdaman ko naman ang paghaplos niya sa buhok ko.

"It's okay, why?" Malambing na tanong niya. Umiling iling naman ako sa kanya.

"Pwede bang itabi natin si Keanna ngayong gabi dito sa kwarto natin?" Tanong ko at inialis ang mukha sa dibdib niya.

Kita kong nagsalubong ang kilay niya sa tanong ko.

"Why?"

"Namiss ko lang siyang katabi." Dahilan ko.

"Hindi kayo nagtatabi sa iisang kama, Zeref." Napalunok naman ako bago nag iwas ng tingin.

"G-gusto ko lang makatabi si Keanna." Rinig kong nagbuntong hininga siya kaya ibinalik ko ang tingin ko sa kanya.

"Okay. But you know na hindi natutulog si Aize ng hindi katabi si Keanna, right?" Oo nga pala, nagwawala yon pag di katabi si Keanna.

"Maiintindihan niya naman siguro." Tumitig naman siya sa akin.

"Itabi nalang kaya natin silang dalawa?" Tumango naman ako sa suggestion niya.

Hapon na kami nakarating din na Dab dahil sa sobrang traffic na ng pauwi kami dito.

"Pupuntahan ko na." Tumango naman siya at hinalikan ako sa labi.

Lumabas na ako at nagpunta sa kwarto ng dalawang anak ko.

Kumunot ang noo ko ng may kung ano akong narinig.

Sinubukan kong pihitin ang doorknob pero naka lock kaya wala akong magawa kundi ang kumatok.

"Keanna? Aize?" Tawag ko sa pangalan nila.

HauntedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon