"Zeref."
"Zeref wake up."
"Zeref!!!" Nagising ako dahil sa lakas ng sampal sa pisnge ko.
Tngina ansakit.
Hawak hawak ko ang pisnge kong napaupo at napatingin kay Dabria na hawak hawak ang tyan niya.
"Bakit?" Inaantok kong tanong at niyakap siya.
"Your dreaming. Tinatawag mo pangalan na Gray." Napahiwalay naman ako sa kanya at tinignan siya.
"Huh? Wala naman akong napanaginipan eh. Tulog na tayo ulit." Aya ko sa kanya at humiga.
"It's already 6am, Zeref! We still have a class!" Napakamot naman ako ng batok bago tignan ang alarm clock na nasa gilid.
Eh 5:30 palang naman eh!
Bumangon nalang ako dahil baka masampal na naman ako.
"Wag ka na pumasok. Laki laki na ng itlog mo eh." Pang aasar ko sa kanya.
Binato niya naman ako ng unan na agad kong nailagan.
Totoo naman kase! Kabuwanan niya na, ambilis nga lang ng panahon eh.
Parang kelan lang nung sinabi niyang safe siya.
"Di muna ako papasok, malapit narin naman summer eh. Tatanong ko nalang kay Lauren mga ginagawa. Babantayan kita, Dabria." Seryosong saad ko bago siya tabihan at halikan sa noo.
Kulit din nito kase minsan eh, palagi akong pinipilit na pumasok eh pano nalang kung manganak na siya e sino magdadala sa kanya sa hospital? Edi wala.
Nalaman ko din na pinsan nya si Safara at Jordan. Minsan sila nagbabantay kay Dabria at Keanna pag nasa kompanya ako.
Apat na buwan, apat na buwan nading may text ng text sakin na kung kelan ba daw kami magkakausap at magkakasama ulit ng kami lang dalawa.
Hindi ko sinasabi kay Dabria ang about dito dahil baka pinagtripan lang ako ng nagsend.
"Ughhh Zeref!!!!" Sakit sa tenga neto.
Nagtataka ko siyang tinignan dahil sumigaw siya.
"Bat ka jan umihi, Dabria. Tutulungan naman kita sa banyo eh." Bigla niya akong piningot ng malakas kaya napahiyaw ako.
"Fck you! Manganganak na ako!!!" Bigla akong nag panick kaya wala ako sa sariling tumayo at tinignan siya.
"Ughhh I kill you Zeref! Dalhin mo na ako sa hospital!!" Dali dali ko siyang binuhat pang bagong kasal at lumabas ng kwarto.
Naabutan ko pa sa baba Sina Jordan at Safara na nakikipag harutan kay Keanna pero agad ding nabaling ang tingin nila samin dahil sa sigaw ni Dabria.
"Hoy hala ka!" Sigaw ni Safara pero hindi ko na siya pinansin at lumabas na ng bahay para ipasok sa kotse si Dabria.
"Ako na mag dadrive, Tol. Don kayo sa likod. Safara, dalhin mo nga gamit ng bata sumunod ka sa hospital." Kita kong tumango naman si Safara sa sinabi ni Jordan.
"Safara, si Keanna please." Tumango naman siya bago dali daling pumasok ng bahay.
Pumasok naman ako ng kotse ay tumabi kay Dabria. Agad namang pinaandar ni Jordan ang kotse, pasalamat nalang talaga ako at malapit lang ang hospital.
Ilang minuto lang bago kami makarating sa hospital, kanina pa sigaw ng sigaw at nangangaggat si Dabria.
Pagdating sa hospital ay agad naman kaming inassit at ipinasok siya sa Delivery room.
BINABASA MO ANG
Haunted
Misterio / SuspensoZeref Gray Vermilion - babaeng sobrang lamig makitungo dahil sa nakakatraumang pangyayari sa nakaraan niya. Hanggang sa may Isang professor na darating at guguluhin ang tahimik niyang mundo. Aizen Dabria Avila - The most beautiful professor ng unive...