Chapter 40

22.1K 422 111
                                    

Isang buwan matapos ang nangyareng iyon. At ngayon, balik normal na.

Kasama ko ang pamilya ko.

Dabria at ang tatlong anak ko.

Andaming nangyari ng araw na yon at hindi nga halos ako makapaniwala.

FLASHBACK

"Anak... Keanna." Huh?

Ayan ang narinig kong sambit ni Axcel.

"Anong ibig sabihin nito, Axcel!?" Seryosong tanong ko sa kanya kaya lumingon siya sa akin.

"A-Axcel." Rinig kong tawag ni Cherry.

"Ako nga. Ako nga na dati mong karelasyon, Cherry. Ako nga ma sinubukan mong patayin para hindi ko masabi kay Zeref na akin ang pinagbubuntis mo non." Galit na saad niya kay Cherry.

"Anong ibig mong sabihin, Axcel? Cherry!?" Ibig sabihin hindi ko anak si Keanna?

"Anak ko si Keanna. Sinadya niyang iparinig sayo yung time na nakikipag usap siya sa ibang teachers dahil alam niyang paninindigan mo siya. Pinigilan niya akong sabihin sayo ang totoo dahil gusto ka niya! Ako ang nakabuntis sa kanya, hindi ikaw."

"Pero kamukha ko siya!"

"Magkamukha kayo dahil ikaw ang pinaglihian niya!" Sigaw niya at itinutukan si Cherry.

Kita kong umiiyak si Cherry na nakasubsob sa likuran ni Keanna.

"To-Totoo ba yon, Ch-Cherry!?" Naiiyak kong tanong sa kanya habang naluluha.

Hindi siya sumagot at umiyak lang.

"Cherry, totoo ba yon!!!??" Sigaw ko sa kanya.

Naramdaman ko ang paghawak ni Dabria sa kamay ko pero di ko na pinagtuonan pa ng pansin.

"O-Oo." Sagot niya kaya halos manghina ang tuhod ko.

Nagagalit ako sa hindi niya pagsabi ng totoo pero hindi ko pinagsisihan na akuin si Keanna.

Narinig ko ang siren ng pulis kaya nabaling don ang atensyon ko.

Kita kong lumapit sila kay Cherry at pinusasan ito.

"Wag niyo po siya sasaktan, Mamang pulis ah." Rinig kong saad ni Keanna na ikinatango ng pulis.

END OF FLASHBACK

Nasa kulungan na si Cherry.

About kay Axcel? Minsan kinukuha niya si Keanna para makipag bonding sa anak niya.

Mahirap mang tanggapin na hindi ko siya anak ay wala akong magagawa dahil iyon ang totoo.

Inexplain sakin lahat ni Axcel. Hindi ko parin lubos maisip na naging sila ni Cherry eh mga minor palang kami non.

Inaasikaso niya na din ang pagpapalit ng apelyido ni Keanna. Hiningi niya din ang approval ko na kung pwede sa kanya na si Keanna kapag napalitan na ang apelyido nito.

Masakit man pero pumayag ako dahil ayaw ko namang ipagkait sa kanya ang anak niya.

Araw araw kong sinusulit ang pagsasama namin ni Keanna. Masakit sakin to dahil tinuring ko na parang tunay na anak si Keanna.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 08, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HauntedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon