"Wag ka na muna umuwi, sakin ka nalang muna mag stay. Wag kang mag alala hindi ko sasabihin kina Safara." Offer sakin ni Melly.
Andito parin kami sa parking lot. Ayoko muna bumyahe dahil baka mapahamak lang ako sa daan, pinapakalma ko muna sarili ko.
Tinanong din ako ni Mel kung bat daw ako umiiyak na ikinwento ko naman sa kanya.
"Uuwi ako." Maikli kong tugon.
Hindi porket Ganon ay hindi na ako uuwi. Kakausapin ko si Dabria at lilinawin ang tungkol sa larawan na yon.
"No, sa condo ko nalang ikaw magstay sige na. Baka malay mo andon sa bahay niyo yung lalaki edi masasaktan ka lang diba." Pagpupumilit niya pa.
Umiling iling naman ako sa kanya bago tumayo at ipinagpag ang pwetan ko.
"Kailangan ko siyang kausapin." Sasakay na sana ako ng kotse ng pigilan na naman ako ni Melly.
"No! I mean bakit? Para san pa? Hindi pa ba halata na niloloko ka niya? Iwan mo na yan, dalhin mo mga anak mo." Para namang uminit ang ulo ko dahil sa sinabi niya.
"Mahal ko si Dabria, Melly." Tanging sagot ko sa kanya.
Masama ang pakiramdam ko pagsasama ako sa kanya.
"Hindi, sakin ka nalang muna mag stay, Zeref." Pagpupumilit niya pa. "Bat mo pa uuwian yung malandi na Professor na yon?" Hindi na ako nakapag timpi at sinakal siya.
"Hindi siya malandi, Mel! Anong karapatan mong husgahan ang taong mahal ko?" Seryoso kong tanong sa kanya.
Natauhan naman ako at binitawan ang leeg niya.
Kita kong napahawak siya sa leeg niya at huminga ng malalim.
Huminga naman ako ng malalim bago pumasok sa kotse at tsaka pinaandar.
Agad lang akong nakarating sa bahay dahil sa bilis ng pagtakbo ko.
Pagpasok ng bahay ay bumungad sakin si Dabria na mukhang hindi mapakali.
Napansin niya ata ang presensya ko kaya lumingon sakin at dali daling lumapit bago ako yakapin.
"A-are you o-okay? W-wait, d-did you cry ba?" Tanong niya at hinawakan ang mukha ko.
Para naman akong maluluha ulit ng maalala ko ang mga pictures na sinend kanina.
Unti unti naman akong lumayo sa kanya at kinuha ang cellphone ko bago ipinakita sa kanya ang mga larawan.
Nanginginig ang kamay kong ipinakita ito sa kanya.
"To-totoo ba to, Dabria?" Maluha luha kong tanong.
Kita kong natigilan siya sa ipinakita ko bago dali daling umiling sakin at niyakap ako.
"N-No! That's not true, Zeref! I love you, you know that! Wag kang maniwala sa pictures na yan." Saad niya habang nakayakap parin sakin.
Huminga naman ako ng malalim bago ginantihan ang yakap niya at hinalikan siya sa noo.
"Okay, I'm sorry." Humiwalay sakin si Dabria at hinawakan ako sa mukha.
Kita kong may tumulo rin na luha sa mata niya kaya pinunasan ko ito at hinalikan ang mata niya.
"Hindi ka naniniwala sa pictures na yon?" Parang batang tanong niya.
Umiling iling naman ako sa kanya.
"Hindi naman ganon kababa ang tingin ko sayo, Dabria. May tiwala ako sayo. Hindi ka naman makikipag settle sakin kung magloloko karin." Saad ko at hinawakan siya sa bewang para igaya paakyat sa taas.

BINABASA MO ANG
Haunted
Gizem / GerilimZeref Gray Vermilion - babaeng sobrang lamig makitungo dahil sa nakakatraumang pangyayari sa nakaraan niya. Hanggang sa may Isang professor na darating at guguluhin ang tahimik niyang mundo. Aizen Dabria Avila - The most beautiful professor ng unive...