Chapter 7

14.6K 610 266
                                    

"Dada, pede ko po ba makita si Mama?" Nabaling ang atensyon ko kay Keanna.

Nasa sala kami ngayon at nanonood.

Hinahanap niya na mama niya.

"Baby.."

"I'm sorry po, Dada. Di ko na po ulit hahanapin. Basta po sana may bago akong mama ha!? Yung di ka po sasaktan at di po nya gagawin yung tulad ng ginawa ni Mama sayo." Napangiti ako sa tinuran ni Keanna.

Talino talaga ng anak ko.

"Kailangan mo ba talaga ng Mama hmm?"

"Opo para happy po si baby Keanna pati narin po ikaw!" Napatawa naman ako at ginulo ang buhok niya.

"Happy naman kahit tayo lang dalawa ah? Bakit di ka na ba happy kay Dada?" Kunwaring malungkot kong tanong.

Tinawanan niya ako at pinisil ang pisnge ko bago ako halikan sa ilong.

"Happy po! Pero want ko po ng person pi na mag lolove sayo, hindi lang po yung kami lang ni tita Lauren hihi."

"Dada, want ko po ng ice cream. Matagal na po nung last time na kumain tayo." Tumango naman ako sa kanya bago tumayo.

"Sige, basta dito kalang ha? Wag na wag kang lalabas at wag na wag na magbubukas ng pinto hanggat hindi ako, tatawagin kita pag ako yung dumating. Naiintindihan?" Tumango tango naman siya at tumayo para sumaludo sakin.

Kyut.

Lumabas nako ng bahay pero bago yon ay sinigurado ko munang naka lock yung pinto.

Malapit lapit lang naman 7/11 kaya di ko na sinama si Keanna, gabi narin kase.

Dalawang buwan na ang lumipas simula nung magsimula ako sa kompanyang pinagtatrabahuan ko. At nakita ko na din ang CEO.

Si Prof Avila.

Aizen Dabria Avila pala meaning nung A.D.A.

Palagi kong napapansin na nakatingin siya sakin pag nagtatrabaho ako.

Tas yung opisina ko, ang laki pa, yung tipong parang isa din ako sa may ari ng kompanya dahil sa laki at ganda ng opisina ko.

Baka ganto lang talaga pag secretary doon?

Pansin kong makulimlim ang langit na para bang anytime babagsak ang ulan.

Pagdating sa 7 eleven ay agad na akong bumili, dalawang Tupper ng ice cream binili ko at tatlong footlong. Isa din kase to sa fav ni Keanna.

Paglabas ng 7 eleven ay biglang bumagsak ang malakas na ulan. Fck, di pa naman ako nakapagdala ng payong.

Naghintay muna akong huminto ang ulan pero wala talaga, di naman ako pedeng sumugod sa ulan dahil mahina ang resistensya ng katawan ko't madaling dapuan ng sakit.

Habang naghihintay ay may biglang huminto na magandang sasakyan sa harap ko.

Binuksan niya ang bintana kaya nakita ko kung sino ang nasa loob ng kotse.

"Get in."

Kumunot naman ang noo ko sa narinig kaya naglinga linga ako sa paligid kung sino ang tinatawag.

"Get in, Vermilion."

"Ayos lang po ako. Hihintayin ko nalang tumila ang ulan."

"Just get fcking in, Vermilion."

Napakamot naman ako ng ulo bago naglakad papunta sa kotse niya at pumasok.

HauntedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon