Chapter 4

11.7K 475 153
                                    

"Zef, hatid mo order don oh." Saad ng kasamahan ko sa trabaho, kinuha ko naman agad yung tray na dala niya.

"Saan?"

"Ayon oh, yung mga babaeng magaganda don." Turo nya sa isang grupo ng mga babae na nagsasayawan.

Tumango naman ako at naglakad na papunta sa table nila. It's already 2am, inaantok na ako pero dapat kong pigilan.

Inilapag ko na sa table ng mga babae yung alak na inorder nila, aalis na sana ako ng may pumulupot sa braso ko kaya agad na umusbong ang kaba at takot ko.

"Hey cutie, can you join us here right now?" Malandi niyang sabi at hinaplos haplos pa ang braso ko bago idinikit ang hinaharap niya sakin.

Gustuhin ko mang itulak siya ay hindi pwede dahil baka masesante ako ng amo ko.

"B-bawal po, m-may trabaho pako. Alis na po ako." Pinilit kong makawala sa pagkakahawak niya at tumalikod na pero may humarang din agad sakin na Isa sa mga kasama nung babaeng pumulupot sa braso ko.

"Mag eenjoy ka naman kasama namin eh, dito ka nalang muna. Hmm, bibigyan ka namin ng tip, right girls?" She said while smirking.

"Yeah she's right. Hayaan mo lang kaming enjoyin ka tonight." Saad ng isa pa nilang kasamang babae at hinalikan ako sa labi.

Natulak ko naman siya agad at napalayo. Nagsisimula nang manginig ang kamay ko dahil sa takot.

"W-wag." Tanging nasambit ko at dali daling tatakbo sana ng agad na naman nila akong naharangan, this time nakapalibot na sila sakin kaya wala na akong maatrasan.

Inilibot ko ang paningin sa loob ng bar, nahagip ng mata ko ang pamilyar na taong nakamasid lang din sakin. Damn nakita niya naman na sigurong balak kong kumawala sa mga higad na to di pa ako tinulungan.

"M-miss, a-alis na ko. I-iba nalang p-please." I pleaded to them pero tumawa lang sila at tinulak ako paupo sa couch at kumandong naman ang isa sakin.

Bawal mang saktan o itulak siya pero kailangan ko na dahil natatakot na talaga ako. Bahala na yang trabaho na yan bwiset.

Itinulak ko ng malakas ang babaeng nakakandong sakin at dali daling lumabas ng bar. Di ko namalayang tumulo na pala ang luha ko dahil sa takot.

Nanginginig parin ang buong katawan ko at tumulo narin ang dugo sa ilong ko. Pakiramdam ko babagsak ako ng wala sa oras kaya nagsimula na akong maglakad at naghintay ng masasakyan.

Naramdaman kong may nakasunod sakin kaya napatingin ako sa likuran ko pero wala naman.

Shit asan na ba yung mga sasakyan.

Konti nalang talaga bibigay na mata at katawan ko dahil sa pagod.

At hindi ko na nga napigilan, nawalan na ako ng malay pero bago yon ay may naramdaman pakong pares ng braso ang nakasalo sakin.



Nagising ako dahil sa may kung anong humahaplos sa mukha ko pero gustuhin ko mang idilat ang mata ko ay hindi ko magawa dahil sa sakit at pagod ng katawan ko.

"You're mine, Gray."

Narinig kong saad ng kung sino bago ko maramdaman ang pagdampi ng kung ano sa labi ko.

Naramdaman ko ang kung sinong humahaplos sa katawan ko bago ako nakatulog ulit.






Nagising ako dahil sa mahihinang tapik sakin. Pagdilat ng mata ay ang aking anak agad ang bumungad sakin.

HauntedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon