Chapter 11

11.9K 517 181
                                    

Zeref Gray Vermilion POV

"Dada, siya po ba Mama ko?" Tukoy niya kay Cherry na ngayon ay andito sa bahay.

Ilang beses ko siyang tinaboy ng paulit ulit pero may lahing baliw talaga siya't ayaw makinig.

Pilit niyang sinasabi na anak niya at may karapatan siya kay Keanna.

"Yes, baby ako mama mo." Sagot ni Cherry at matamis na ngumiti kay Keanna.

Akala ko lalapit si Keanna at yayakap kay Cherry dahil nga gusto niyang makilala mama niya pero kabaliktaran ang ginawa niya.

Lumapit siya sakin at nagsumiksik at bumulong.

"She's devil, Dada." Nagulat ako sa sinabi ni Keanna.

Yes baby, she is.

"Hey baby, come to mama." Umiling iling si Keanna sa kanya at mas lalong nagsumiksik sakin.

Kita kong dumilim ang awra ni Cherry kaya napahawak ako sa anak ko.

"Come baby, bili tayo toys." Sinamaan ng tingin ni Keanna si Cherry kaya kita ko kung paano mapakuyom ng kamao sa cherry.

Bumulong ulit si Keanna sakin.

"Mama Dabria said po na siya lang mama ko." Wala sa sariling napangiti naman ako.

Binalingan ako ng masamang tingin ni Cherry dahil hindi talaga lumapit si Keanna sa kanya.

"Baby, punta ka muna sa kwarto mo ha? Basa ka muna books don." Tumango tango naman siya sakin at dali daling pumasok ng kwarto niya.

Hinarap ko naman si Cherry na ngayon ay nakangisi.

"Tapos na ang palabas. Hindi mo kailangang mag bait baitan sa harap ng anak ko. Hindi ka niya kailangan." Tumayo siya at lumapit sakin.

"Pano kung patayin ko siya? Hmm." Napakuyom ako ng kamao dahil sa sinabi niya.

Natatakot ako pero hindi ko pwedeng ipahalata sa kanya.

Inilapit ko ang mukha ko sa tenga niya at bumulong.

"Kahit sa kamatayan mo, hindi mo mahahawakan anak ko, Cherry. Mas mauuna kang mamatay." Tinawanan niya lang ako.

"Bumalik ka sakin, at hindi ko siya sasaktan." Napangisi naman ako sa sinabi niya.

"Wala tayong sinimulan, Cherry. Wala akong babalikan sayo." Kita kong dumilim ang mukha niya bago dali daling lumabas ng bahay.

Pag labas niya palang ay nanghihina akong napaupo sa couch dahil sa panginginig ng katawan ko. Naramdaman ko ding tumulo ang dugo sa ilong ko.

Di ko namalayang tumulo narin luha ko.

Hindi ko hahayaang masaktan o mahawakan niya anak ko. Magkamatayan man.

Kinabukasan. Kasalukuyan akong andito sa university, papunta ako sa office ni Ma'am Avila dahil nag message sa akin na kailangan niya daw ako don.

Ilang araw nadin ang lumipas bago yung huling nangyari samin, pinipilit kong pakisamahan siya ng pormal kahit na palagi niya akong inaakit.

Pinipigilan kong magpadala sa init na nararamdaman ng katawan ko.

Pagdating sa tapat ng opisina niya ay nakita kong nakaawang ang pinto nito kaya di na ako kumatok at agad na itong binuksan.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa nakita ko.

"G-Gray."

It's Ma'am Dabria at hindi ko kilalang lalaki ang naabutan kong naghahalikan.

Pamilyar sakin ang lalaki parang nakita ko na.

HauntedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon